ANG MAKASAYSAYAN KONG PAGDATAL SA ISLA NG PANAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nobyembre 23, 2008. Ang petsang ito ang una kong pagyapak sa isla ng Panay, sa daungan ng katiklan sa Aklan. Galing sa Mindoro, gabi na kami nakarating sa Katiklan at tanaw na raw doon ang Boracay, ngunit di na rin namin natanaw dahil madilim na. Mga bandang alas-diyes na iyon ng gabi.
Kasama ako noon sa Duyog Mindanao, sa kanilang People's Caravan o Lakbayan para sa Kapayapaan sa Mindanao. Idinaos ito mula sa Lunsod ng Baguio noong ika-21 ng Nobyembre, 2008 at nagtapos sa Lunsod ng Cotabato noong ika-28 ng Nobyembre, 2008. Ang "duyog" ay salitang Cebuano sa "kapayapaan".
Naging makasaysayan sa akin ang pagsama ko sa Duyog Mindanao dahil nakarating ako ng Panay, na binubuo ng probinsya ng Antique, Aklan, Capiz at Iloilo. Naging makasaysayan sa akin dahil kahit papaano, nakalapit ako, sa buong buhay ko, bagamat di nakarating, sa lupain ng aking mga ninuno.
Sa Panay, sa lalawigan ng Antique, isinilang ang pinakamamahal kong ina. Ngunit sa mahabang panahong nandito ako sa mundo ay di ko pa ito napuntahan, dahil isinilang ako't lumaki sa Maynila. Ang napupuntahan ko lagi ay Batangas na sinilangan naman ng aking ama.
Bagamat di ako nakarating sa Antique ay parang napalapit na rin ako sa sinilangan ng aking ina dahil sa pagtapak ko sa unang pagkakataon sa Panay. Dalawang probinsya rito ang narating ko. Ito ay ang Aklan, dahil dito dumaong ang barko galing Mindoro, at sa Iloilo, kung saan kami natulog, kumain, nangampanya at nakiduyog. Sa Iloilo kami nanggaling bago kami pumunta ng Bacolod sa isla ng Negros.
Maraming salamat sa pagkakataong ibinigay na ito at ang petsang ito'y di ko malilimutan.
Sira na ang aking sapatos na balat na iniapak ko sa Panay. Ngumanga na ang swelas, at pudpod na rin dahil sa mahabang serbisyo nito sa akin. Gayunpaman, mahal ko na rin ang sapatos na ito, dahil magkasama kaming nakarating ng Panay. Katunayan, pinahiran ko pa ng putik ng Panay ang aking sapatos bilang souvenir.
Itinago ko ang aking sapatos na isinuot sa pagyapak sa lugar na ito bilang tagapagpaalala na minsan man, dahil sa Duyog Mindanao, ay halos narating ko na ang sinilangan ng aking mahal na ina.
(Ang akdang ito'y nalathala sa aklat ng may-akda na "Bigas, Hindi Bala, 56 Tula, Alay Para sa Kapayapaan sa Mindanao", pahina 66-67)