PAGDALO SA ASIAN PEOPLE’S SOLIDARITY FOR CLIMATE JUSTICE SA BANGKOK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Isa ako sa mapalad na napiling magtungo sa Bangkok, Thailand bilang kinatawan ng maralitang lungsod hinggil sa usapin ng climate change sa isang pulong na ginanap sa tanggapan ng Freedom from Debt Coalition (FDC). Isa sa mga programa ng FDC ang usapin ng climate change kaya naitayo ang network na tinawag na Climex (ClimateExchange). Ako ang kinatawan ng grupong Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML) na kasapi naman ng FDC.
Dalawang araw makalipas ang bagyong Ondoy na halos nagpalubog sa maraming lugar sa bansa, lalo na sa Luzon. ay nagtungo kami ng aking tatlong kasamahan sa Bangkok, Thailand upang dumalo sa mahigit isang linggong aktibidad hinggil sa usaping climate change. Kami ay nasa Bangkok mula Setyembre 28, 2009 hanggang Oktubre 8, 2009. Pagdating namin sa Bangkok ay nakasama namin ang iba pang Pinoy doon, kasama ang mga aktibista mula sa ibang bansa. Doon kami tumuloy sa KT Hotel sa Bangkok.
Ang nasabing aktibidad na tinawag na Asian People's Solidarity for Climate Justice (APSCJ), isang programang ka-parallel o ipinantapat ng iba't ibang kilusang masa't samahan sa United Nations climate talk na ginanap din sa Bangkok nitong Setyembre 28 hanggang Oktubre 9, 2009. Pinangunahan ang APSCJ ng Jubille South Asia-Pacific Movement on Debt and Development (JSAPMDD) at ng NGO Forum on ADB. Ito'y sa pakikipagtulungan sa Indian Social Action Forum, Rural Reconstruction Nepal, Pakistan Fisherfolk Forum, Freedom from Debt Coalition-Philippines, Focus on the Global South, Unnayan Onneshan, Koalisi Anti-Utang, IESR, KRUHA, Walhi, Solidaritas Perempuan, at South Asia Alliance for Poverty Eradication (SAAPE). Halos ang lahat ng venue ng aming talakayan ay idinaos sa basement ng 14 October 1973 Monument at sa Ground Floor ng 14 October 1973 Foundation.
Maraming usapin hinggil sa suliranin sa klima, kaya pinag-usapan ang agham at pulitika ng klima, mga pagsusuri sa dahilan nito at ang naiisip na solusyon, at mga mayor na isyu hinggil sa pakikibaka para sa climate justice o kararungan sa usapin ng klima. Pinag-usapan din ang isyu ng tubig at kuryente.
May pagkilos din kami sa lansangan ng Bangkok kung saan nakasuot kami ng t-shirt na itim na ang nakasulat: "Reparations for Climate Debt" sa harap at "World Bank and ADB: Out of Climate Talks".
Pumaroon kami sa Bangkok na iniwan ang Pilipinas na sinalanta ni Ondoy, isang bagyong anim na oras lamang ngunit nagpalubog sa maraming panig ng kalunsuran na tila ba umulan ng isang buwan. Kaya sa isang pag-uusap doon ay naisip namin na iugnay ang nangyaring Ondoy sa isyu ng pagbabago ng klima.
Ang pagtungo sa Bangkok at pagdalo sa mga talakayan ay isang karanasang mas nagpatibay sa akin sa usapin ng climate change at climate justice. Marami akong nakasalamuha at natutunan hinggil sa usaping ito, di lang mga kapwa Pilipino kundi mga taga-ibang bansa rin. Nariyan ang usapin hinggil sa REDD, carbon trading, biofuel, panawagang reparasyon ng Annex 1 countries sa mga maliliit at di-pa-maunlad na bansa, atbp.
Bukod sa mga talakayan, nakapaglunsad din kami roon ng ilang rali, at may kasama rin kaming tomtom boys (ati-atihan) na mga Pinoy. Kaunti lang ang naipon kong litrato sa paglalakbay namin doon, bagamat marami kaming kuha, at dahil na rin wala namang akong dalang kamera na sana'y nakunan ko ang iba't ibang aktibidad doon. Doon ko na rin idinaos ang aking kaarawan. Marami akong nadala pauwi na mga aklat, magasin, brochure, at iba't ibang babasahin hinggil sa usaping klima na ipinamahagi doon ng iba't ibang samahan.
Kinatawan ako ng grupong KPML doon, at ngayon, patuloy pa rin ang KPML sa pakikipag-ugnayan sa Climex sa kampanya at edukasyon hinggil sa usaping klima at hanggang ngayon ay aktibo pa rin akong kalahok dito, sa talakayan man, sa iba pa mang pagkilos, sa pagsusulat, at sa mga rali sa lansangan.
Sampaloc, Maynila
Oktubre 19, 2009
* Noong 2010, ang Climex ay napalitan ng pangalan at nabuo bilang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa isang pulong sa tanggapan ng FDC

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento