ni Gregorio V. Bituin Jr.
Una kong nagawang maikling kwento ang “Sa Iyo ang Batas, Sa Akin ang Katarungan” na nalathala noong 1997 sa aming publikasyong The Featinean, ang opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng FEATI University. Limang taon pa bago ako muling nakasulat ng maikling kwento. Marahil, talagang di iyon ang aking porte. Mas pulos mga sanaysay at balita ang aking naisulat noon sa The Featinean, bukod pa sa pitong kolum ko noong ako’y maging features and literary editor nito.
Tsamba, ika nga, kung bakit ang una kong tangkang gumawa ng maikling kwento ay nalathala agad. Marahil, dahil kaibigan ko ang lahat ng mga editor, at di naman ako masamang tinapay sa aming mga adviser. At kung babalikan ko naman ang aking unang kwento, may kwento naman talaga. Iyon nga lang, mapupuna na parang nanood ako ng mga maaksyong pelikula nina Fernando Poe Jr. at Philip Salvador, dahil parang kumbinasyon ito ng mga diyalogong tumatak na sa utak ko. Ngunit di ko naman talaga ginaya, dahil yung balangkas ng istorya ay talagang pinag-isipan ko para lumapat naman ang mga diyalogo.
Ang sumunod kong maikling kwento’y pinamagatang “Ang Ugat ng Kahirapan” na nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, na siyang opisyal na pahayagan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML).
Nasa pahayagang Obrero na ako nang makapagsimula muling magsulat ng maikling kwento. Noong 2003 ako nagsimula sa Obrero ngunit noong 2007 lamang ako muling nakasulat ng maikling kwento. Ang pamagat ng kwento ay “Ang Huling Liham ni Che”. Nangyari ang kwento sa loob ng barberya, at tinalakay ang isang sulatin ni Che Guevara.
Nakakita ako minsan ng librong gabay sa maikling kwento sa National Bookstore, ngunit hindi ko iyon nabili dahil nagkataong wala akong sapat na pera nang mga panahong iyon. Nang magkapera naman ako, hindi ko na makita ang librong iyon, magpalipat-lipat man ako ng sangay ng National Bookstore. Sayang, sabi ko sa sarili. Baka may mapulot akong aral para makapagsimula muli ng maikling kwento.
Bandang 2006 nang mahanap ko sa internet na may librong gabay sa maikling kwento na ibinebenta ng isang independent publisher. Nakontak ko siya sa pamamagitan ng email. Pinapunta naman niya ako sa isang address sa Malate, Maynila. Bahay pala iyon ng publisher na si Ginoong Danilo S. Meneses, ng Dandelion Strategic Marketing. Naroon at nakatambak ang librong “Gabay sa Pagsulat ng Maikling Kwento” ni Reynaldo A. Duque, na dating punong-patnugot ng magasing Liwayway. Bumili ako ng isang aklat kay Ginoong Meneses, dahil isa lang naman ang kailangan ko, ngunit binigyan niya ako ng tatlo. Ang dalawa’y iniregalo ko sa dalawa kong kaibigan, kina Ramon B. Miranda, na isang makata, manunulat at guro ng Pilipino sa Arellano High School, at Pia Montalban na isang babaeng makata’t manunulat, noong magdiwang siya ng kanyang kaarawan. Ang isa’y nasa akin at lagi kong binabasa.
May mga kwento akong isinulat na alanganing kwento at alanganing sanaysay, tulad ng akdang “Pagkamulat” dahil kwento ito ngunit walang inimbentong karakter na nag-uusap, basta’t ito’y pagsasalaysay lamang ng ilang pangyayari. Ang “Pagkamulat” ay kwento ng aking sarili, kung paano akong napunta sa isang mundong kinalalagyan ko ngayon. Marahil mas angkop na tawagin ang akdang ito ng sanaysay, imbes na kwentong may banghay, at mga tauhan. Nalathala ito sa ikalimang serye ng librong Tinig na ang editor ay si Mr. Meneses.
Ang maikling kwentong “Anino ni Macario Sakay” ay isinulat ko bilang lakip sa aklat na “Macario Sakay: Bayani” bilang handog sa sentenaryo ng kamatayan ni Macario Sakay. Inilunsad ang aklat na ito sa UP Manila sa mismong araw ng sentenaryo.
Nasulat ko ang kwentong “Huling Gabi ni Itay” at nalathala sa antolohiyang “Maso: Katipunan ng Panitikan ng Uring Manggagawa” Ikalawang Aklat, noong Disyembre 2007, at ang sumunod ay ang “Salamisim sa Dalawang Bayani” sa ikatlong aklat ng MASO na nalathala noong Disyembre 2008.
Taon 2011 na nang makilala ko ang mga manunulat na bumubuo ng Mga Agos sa Disyerto, bagamat may mga koleksyon na ako ng mga tula ng ilan sa kanila. Ang aklat na “Pagsalunga: Piniling Kwento at Sanaysay” ni Rogelio Sicat ay nabili ko noong Setyembre 15, 2008 sa 29th Manila International Book Fair na ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay. Ang aklat na “Saan Papunta ang mga Putok?” ni Rogelio Ordoñez ay nabili ko noong Disyembre 9, 2008 sa UP Press Bookstore, at naglalaman ito ng anim na maikling kwento, bukod pa sa kanyang mga sanaysay at tula. Ang aklat na “Sa Aking Panahon: 13 Piling Katha (at Isa Pa!)” ni Edgardo M. Reyes ay ibinigay naman sa akin ng isang lider-manggagawa noong bandang Agosto 2011, kasabay ng isang kopya ng librong “Mga Agos sa Disyerto”. Ginawan ko naman ng book review ang librong ito sa pamamagitan ng artikulong “Mga Agos sa Disyerto: Isang Pagsusuri” na nalathala sa magasing “Ang Masa” noong Nobyembre 2011.
Ang magasing “Ang Masa” ay nagsimula noong Setyembre 2011. Dalawang maikling kwento ko ang nalathala rito. Ang “Urong-Sulong” na hinggil sa dalawang welgistang naglalaro ng chess, at ang “Ang Apat na Sikreto ng Sahod” na hinggil naman sa mga kabataang estudyanteng nakipagtalakayan sa mga welgista sa piketlayn nito. Ang huli kong naisulat na maikling kwento ay may pamagat na “Ang Dalaga sa Bilibid Viejo” na nailathala ko lamang sa aking blog, at di pa nalalathala sa anumang magasin, pahayagan o aklat. Ang bida sa kwentong ito’y isang babaeng aktibista na hinoldap ng isang sanggano, na sa bandang huli’y nakilala niya’t napasama niya sa isang rali.
Marami akong natutunan sa aklat na “Gabay sa Pagsulat ng Maikling Kwento” ni Duque, na siya namang ginagamit ko upang mag-eksperimento ng iba’t ibang kwento, mga kwentong hanggang ngayon ay nananatiling burador dahil di ko pa makapa kung paano tatapusin. Ang iba’y burador na naisulat lamang ang tingin ko’y panggitna, ngunit wala pang umpisa at iniisip ko pa kung paano ang wakas.
Maganda ring basahin ang mga naging karanasan ng Mga Agos sa Disyerto na tinalakay ni Edgardo M. Reyes sa kanyang “Sa Aking Panahon”, na sa pambungad ng kanyang bawat maikling kwento ay isinasalaysay muna niya ang iba’t ibang kaganapan habang isinusulat ang kwento. Marami din tayong matututunan sa mga sanaysay ni Rogelio Sikat, tulad ng “Tata Selo: Paliwanag ng Awtor sa Teksto” at ang “Bukal at Disenyo sa akdang ‘Sa Lupa ng Sariling Bayan’ ”.
Anupa’t napakahalaga ng mga ito upang ukitin sa diwa ng isang nais magsulat ng kwento ang mga aral at gabay sa pagsusulat ng maikling kwento, at estilo ng manunulat, bagamat dapat hanapin natin ang sarili nating estilo. Kapag nakakapagsulat na tayo ng maikling kwento, maaari na tayong gumawa ng mas mahaba-habang kwento, hanggang sa ito’y maging isang nobela. Ito ang puntirya kong gawin sa mga susunod na panahon, at sana’y makagawa ako ng nobela, kahit isa lamang, sa aking buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento