Miyerkules, Oktubre 9, 2013

Kaarawan, Tagalog, Moret at Ako


KAARAWAN, TAGALOG, MORET AT AKO
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nakakatuwa ang hindi ko sinasadyang pagkasaliksik o pagkabasa sa isang kasaysayan hinggil sa wika, at kaugnayan nito sa kaarawan ko at sa isang kalyeng napupuntahan ko sa aming lugar sa Sampaloc sa Maynila.

Ayon sa Sulyap Kultura sa website ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA): October 2, 1870 - At the instance of the Minister of the Ultramar, Segismundo Moret, the royal ruler of Spain decrees that the Tagalog dialect be taught at the Central University of Madrid. http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?i=5=1

Ang Moret ay isang kalye malapit sa Bustillos at sa España sa Sampaloc na malimit kong madaanan noong nasa kolehiyo pa ako.Ito'y nasa gitna ng kalyeng Galicia at Sulukan. Ipinangalan pala ang kalsadang ito kay Segismundo Moret na isang royal ruler o maharlikang namumuno sa mga Kastila. Si Moret ang nagsabatas sa kanilang bansa na ang wikang Tagalog ay ituro sa Centro Unibersidad de Madrid sa araw na naging araw ng aking kapanganakan, Oktubre 2. Ang pagsasabatas ng pagtuturo ng Tagalog ay may kaugnayan sa aking pagsusulat at pagiging matulaing nilalang, bukod pa sa ako'y anak ng amang Batangueño. (Ang ina ko naman ay Karay-a mula Antique, kaya hi-breed ako, hehe.) 

Maliit man ang kaugnayan na maaari namang balewalain ninuman maliban sa akin, nakatutuwang isipin na di sinasadyang nagkaugnay-ugnay ang tatlong bagay - Moret, pagtuturo ng Tagalog, at Oktubre 2. Dahil minsan man, o maging hanggang ngayon, ay naging bahagi ang mga ito ng aking buhay.

Teka, kailan kaya ako makakarating sa Central University of Madrid?

1 komento:

suaramirza ayon kay ...

Ito ang blog ko http://tunogngtagalog.blogspot.com
at blog ko tungkol wikang tagalog sa persepektif taong indonesia.