TRAPO KADIRI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Noong kampanyahan sa halalang 1995 una kong narinig ang salitang "trapo" na pumapatungkol sa mga pulitikong tiwali at sa palagay ng marami'y dapat mawala sa poder dahil ang iniisip lang nito'y magpayaman at sariling interes lamang. Ang "trapo", na ibig sabihin din ay basahan, ay pinaigsing "traditional politician". Nakasulat nga sa mga poster namin noon ay "Trapo Kadiri", kung saan nakadrowing ang mukha ng isang trapong balasubas. Ikinampanya namin noon sa mga kabataan at sa mamamayan ang pagbabago ng pulitika sa bansa, na ang paglilingkod sa bayan ay hindi negosyo kundi serbisyo, at hindi dapat iboto ang may masasamang rekord ng paglilingkod sa mamamayan. Naipanalo ng SAVE (Students' Advocates for Voters Empowerment), kung saan isa ako sa mga nagboluntaryo dito, ang apat sa pitong kandidato nito, na sina Joker Arroyo (Makati, 1st Dist.), Rey Calalay (QC, 1st Dist.), Mike Defensor (QC, 3rd Dist.) and Sandy Ocampo (Manila, 6th Dist.). Ang SAVE at ang Trapo Kadiri campaign ay pinangunahan ng National Federation of Student Councils (NFSC), na siyang pinakamalaki at pinakaaktibong pederasyon ng student council sa buong bansa ng panahong iyon, at Kalipunan ng Malayang Kabataan (Kamalayan), na isa ako sa mga opisyales.
Bagamat namulat ako sa pulitika sa ating bansa nang mag-Edsa Uno noong 1986, nagsimula akong bumoto noong halalang 1992, at mula noon ay namulat ako sa kalakaran ng pulitika sa bansa. Nakita ko kung paanong mangampanya ang mga naghahangad na "paglingkuran" ang bayan. Lilinisin daw nila ang katiwalian sa pamahalaan. Marahil kaya sila tinawag na "trapo", dahil itinutulad nila ang sarili nila sa basahan, na lilinisin ang mga naiwang dumi ng mga pulitikong kanilang papalitan. Ngunit hindi pala paglilinis ng katiwalian ang kanilang ginagawa kundi paglilinis ng kabangyaman ng bayan. Kaya marahil marami ang nangangako, ngunit kadalasang napapako. Dahil iba ang kanilang intensyon kaysa paglingkuran ang bayan.
Noon, ang alam ko lang na ginagamit ng mga pulitiko ay tatlong G's (guns, goons, gold), ngunit ngayon ay 5 G's na (guns, goons, gold, Garcia at Gloria). Nadagdag ang Garci at Gloria nitong mga nakaraang taon, dahil sa isyu ng "Hello, Garci" tapes, kung saan kinausap ni Gloria si Comelec commissioner Virgilio Garcialiano. Wala na si Garci sa Comelec, ngunit ang iniwan niyang pangalan sa eleksyon sa Pilipinas ay mananatili. Nalagay na ang kanyang pangalan sa diksyunaryo ng pandaraya sa elektoral sa bansa. Kaya habang may dayaan, maaalala ng tao ang kanyang pangalan. "Mag-ingat baka ma-Garci tayo." Marahil matatagalan pa bago mapalitan ang 5 Gs na ito, at marahil di pa ito mangyayari sa eleksyong 2010.
Hindi sapat na kilalanin natin kung sinu-sino ang mga trapo. Mas dapat nating unawain kung anu-ano ang kanilang mga intensyon.
Ang trapo ay tumutukoy din sa mga angkang kumokontrol ng pulitika sa kani-kanilang probinsya, bukod pa sa mga malalaking negosyo nila sa kani-kanilang lugar.
Tinukoy ng kolumnistang si Fel Maragay sa dyaryong Manila Standard Today (May 14, 2007) kung sinu-sino ang mga angkang kumokontrol sa pulitika ng bawat probinsya. Ayon sa kanya, ito'y sina "Ortega ng La Union, mga Dy ng Isabela, mga Marcos ng Ilocos Norte, mga Singson ng Ilocos Sur, mga Joson ng Nueva Ecija, mga Roman ng Bataan, Magsaysay ng Zambales, mga Cojuangco at Aquino ng Tarlac, mga Fuentebella ng Camarines Norte, mga Dimaporo ng Lanao del Sur, mga Osmeña ng Cebu, mga Espinosa ng Masbate, mga Laurel at Recto ng Batangas, mga Gordon ng Zambales, mga Plaza ng Agusan, mga Durano ng Danao City, mga Antonino ng General Santos, mga Lobregat ng Zamboanga City at mga Cerilles ng Zamboanga del Sur." Idinagdag pa niyang may mga bagong angkang sumusulpot, tulad ng angkang Estrada sa San Juan, mga Arroyo sa Pampanga at Negros Occidental, mga Angara sa Aurora, mga Defensor sa Iloilo at sa Quezon City, mga Suarez sa lalawigan ng Quezon, mga Villafuerte sa Camarines Sur, mga Villarosa sa Mindoro Occidental, mga Espina sa Biliran, mga Ampatuan sa Mindanao, at ang mga Akbar sa isla ng Basilan.
Sinu-sino ba ang mga trapo?
Ang trapo ay tulad ng mga uwak na laging sariling pangalan ang binabanggit. Syempre, para sa name recall para manalo sa eleksyon.
Ang trapo ay paimportante, pa-VIP, at laging pinaghihintay ang mga taong kinakailangan siya.
Ang trapo ay pera ang pang-akit sa mga botante.
Ang trapo ay yaong mga pulitikong tumatapak lang sa lugar ng iskwater pag malapit na ang botohan, gayong sa buong taon ay pinandidirihan nya iyon.
Ang trapo ay yaong pinagmamayabang ang proyekto ng pamahalaan na siya umano ang nagpagawa, gayong galing iyon sa pondo ng bayan, at ang gumawa'y simpleng manggagawang tinipid pa sa sweldo, kaya manggagawa'y nagugutom.
Ang trapo ay yaong nag-aartista muna bago pasukin ang pulitika.
Ang tingin ng trapo sa kanilang sarili ay hindi lingkod bayan, kundi negosyante't haring may kapangyarihan. Marami ngang bayarang bodyguard ang mga trapong ito.
Para sa trapo, negosyo ang pulitika. Bakit naman sila magtatapon ng milyung-milyong piso sa kampanyahan para lang ipagpalit sa napakaliit na sweldo kada buwan ng pangulo at iba pang posisyon sa pamahalaan, kung hindi nila ito babawiin mula sa kabang yaman ng bayan?
Ang trapo ay yaong mga tiwaling pulitikong ginagatasan ang kabangyaman ng bayan para manatili sa pwesto.
Ang trapo ay yaong mga kinatawan ng pribadong nagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, tulad ng mga pabrika, makina, at malalawak na lupain.
Higit sa lahat, ang trapo ang mga tagapagsulong ng bulok na sistema, at representante ng kapitalismo laban sa uring manggagawa at sa naghihirap na sambayanan.
Bistado na sila, ngunit patuloy pa silang namamayagpag sa ating bansa. Ngunit masisisi ba natin sila? O sarili natin ang dapat sisihin dahil nagpapaloko tayo sa kanila?
Silipin natin kung sinu-sino ang mga tatakbong trapo sa pagkapangulo sa 2010. Nariyan si Senador Manny Villar representante ng Las Pinas at ang asawang si Cynthia Villar ay Congresswoman ng Las Piñas. Si Senador Mar Roxas, na magiging kabiyak ay ang sikat na mamamahayag na si Korina Sanchez ng ABS-CBN, ay apo ni dating Pangulong Manuel Roxas at anak ni dating senador Gerry Roxas. Si Defense secretary Gilbert "Gibo" Teodoro, na pamangkin ni Danding Cojuangco na kapatid ng kanyang ina. Asawa naman niya si Rep. Monica Prieto ng Tarlac, na lalawigang balwarte ng mga Cojuangco. Si Senador Chiz Escudero ay galing sa angkan ng mga Escudero sa Sorsogon. Ang kanyang ama ay dating Congressman sa unang distrito ng Sorsogon, at ang mga tiyuhin naman niya ay Bise-Gobernador at Meyor sa kanilang probinsya. Si Joseph Estrada, guilty sa salang plunder ngunit napardon kaya di nakulong, ay nagbabalak na namang tumakbo. Walang kadala-dala. Nasa pulitika rin ang kanyang mga anal na sina Senador Jinggoy at Mayor JV, habang dating senadora ang kanyang asawang si Loi.
Paano naman natin ikakategorya sina Noli de Castro at Loren Legarda, na parehong naglaban sa pagka-Bise Presidente noong 2004? Pareho silang sikat na mamamahayag sa ABS-CBN, at ngayon ay kasama sa pinakasikat na pulitiko sa ating bansa. Masasabi ba nating sila'y mga trapo? Hindi sila galing sa angkan ng mga trapo, ngunit galing sa isa sa pinakamakapangyarihang media network sa bansa. Nitong mga nakaraang taon, kinilala ang media bilang "kingmaker' ng pulitika sa bansa. Marahil, pinatakbo ng malalaking negosyante ang dalawang ito upang matiyak ang proteksyon ng kanilang interes, lalo na ang kanilang mga negosyo, tulad ng ABS-CBN, Maynilad, at iba pa.
Sa ngayon, maraming mamamayan at organisasyon ang nag-oorganisa ng kilusang anti-trapo. Nakikita nilang dapat nang palitan ang imoral na pamahalaan. Kaya ang isyu ng moralidad sa pamamahala ang karaniwang dala-dala ng mga nakapaloob dito. Nais nilang mabago na ang pulitika sa bansa, at tiyaking ang pamamahala sa bansa ay totoong serbisyo sa sambayanan at hindi negosyo ng iilan para manatili sa kapangyarihan. Ngunit hangga’t ang kilusang anti-trapong ito ay nakasakay lamang sa isyu ng moralidad, hindi magbabago ang sitwasyon sa bansa. Dapat manindigan sila laban sa bulok na sistema at tumulong sa pagbubuo ng isang lipunang magwawasak sa pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon upang ang lahat ay makinabang.
Kung noong 1995, ang pakikibaka laban sa trapo ay aktibidad lamang ng kabataan, ang kilusang anti-trapo ngayon ay kilusan na ng buong bayan. Walang dangal ang trapo sa bansa. Sila ang mga kontrabida sa taumbayan. Dapat lang silang ibagsak, kasabay ng pagpapabagsak sa sistemang naging dahilan upang sumulpot sila sa mundo.
ANG UWAK AT ANG TRAPO
tula ni Greg Bituin Jr.
9 pantig
Uwak lamang ang tumatawag
Sa sarili niyang pangalan
Kapara nitong mga trapo
Na bukambibig lagi'y "Ako"
"Ako ang nagpagawa niyan
Ako rin ang nagpondo riyan
Sa akin ang ganyang proyekto
Iyon nama'y pinagawa ko
Pinasemento ko ang daan
Pati na iyang basketbulan
Dahil ako nga'y makatao
Dapat ako'y inyong iboto!"
Siya ba'y talagang seryoso
Na makapaglingkod sa tao?
Tingin sa maralita'y boto
Tingin sa serbisyo'y negosyo
Pag nasa pwesto na't hinanap
Aba'y di agad mahagilap
Istorbo ang tingin sa masa
Pag nilapitan sa problema
Siya ba'y sadyang mapagpanggap?
Pag halalan lang lumilingap?
Pulos "Ako" ang maririnig
Tila uwak ay dinadaig
Kapwa parehong sinasambit
Ngalan nila sa limalapit
"Uwak, uwak," sabi ng isa
"Ako, ako," anang isa pa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento