ANG
MAKABAGBAG-DAMDAMING AWITING "IKAW, AKO, TAYONG LAHAT, MAGKAKAPATID"
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Pag-ibig. Pagkakapatiran. Ito ang buod ng awiting
"Ikaw, Ako, Tayong Lahat, Magkakapatid" na musikang sinulat ni Jose
Lozano at inawit ng grupong The New Minstrels.
Kaya mababalikan natin ang mga sinabi ng mga
rebolusyonaryong sina Che Guevara, Andres Bonifacio, at Emilio Jacinto hinggil
sa pag-ibig.
Ayon sa rebolusyonaryong si Ernesto "Che"
Guevara sa kanyang akdang "Sosyalismo at Tao sa Cuba": "Sa
panganib na magmukhang katawa-tawa, pahintulutan n’yong sabihin kong ang tunay
na rebolusyonaryo ay ginagabayan ng dakilang pag-ibig. Imposibleng isiping wala
nito ang tunay na rebolusyonaryo."
Ayon naman kay Gat Andres Bonifacio sa una't
ikatlong saknong ng kanyang tulang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa":
"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub'ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala."
"Banal na pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
Sa tapat ng puso ng sino't alinman,
Imbi't taong gubat, maralita't mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang."
Ayon naman kay Emilio Jacinto sa kanyang akdang
"Liwanag at Dilim": "Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga Bayan ay
dili magtatagal, at kapagkarakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng
pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng
kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis. Ang pag-ibig, wala na
kundi ang pag-ibig, ang makaaakay sa tao sa mga darakilang gawa sukdang ikawala
ng buhay sampung kaginhawahan. Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang
pagdadamayan at pagkakaisang nagbibigay ng di-maulatang lakas, maging sa
pag-aabuluyan at pagtutulungan ng isa’t isa, maging sa pagsasanggalang ng mga
banal na matwid ng kalahatan."
Ayon naman sa awitin ng The New Minstrels:
"Pag-ibig at pag-asa,
Ang
damdaming gigising sa taong mahimbing
Ang tunay na
ligaya sa ating mga puso
Muling
magniningning"
Ang pag-ibig ay walang hangganan, walang
kinikilalang lahi, kulay, kundi puso sa bawat isa. Kaya ikaw at ako, hindi man
magkalahi ay dapat matutong magmahal, isipin mong ikaw, ako, tayong lahat,
magkakapatid.
Halina't namnamin natin ang awiting ito ng The New
Minstrels:
IKAW, AKO,
TAYONG LAHAT, MAGKAKAPATID
The New
Minstrels
Intro:
EM7-AM7-F#m-B-; (2x)
EM7
Humuhuni
ang ibon
AM7 EM7 AM7
Nagsasayaw
sa hangin at laging masaya
EM7 AM7
Bakit kaya
ang tao may isip at talino
EM7 AM7
Nalulungkot pa siya
F Am Bb
C
Matutuhan
lang ng bawat nilikha
F C/E Dm
Ang umibig
sa tao't daigdig
F Bb F/A-Gm
Gm7 A B7
Lungkot
nila'y mapapawi ligaya'y ngingiti
EM7
Pag-ibig
at pag-asa
AM7 EM7 AM7
Ang
damdaming gigising sa taong mahimbing
EM7 AM7
Ang tunay
na ligaya sa ating mga puso
EM7 AM7
Muling
magniningning
F Am Bb
C
Ikaw at
ako, hindi man magkalahi
F C/E Dm
Ay dapat
matutong magmahal
F Bb F/A-Gm
Gm7 A7 B7
Ituring
mong tayong lahat ay magkakapatid
EM7
Tingnan
n'yo ang sarili
AM7
Sa ating
kapwa tao
EM7 CM7 B-C7
Ikaw, ako,
kayo, tayong lahat ay magkakapatid
F Am Bb
C
Ikaw at
ako, hindi man magkalahi
F C/E Dm
Ay dapat
matutong magmahal
F Bb F/A-Gm
Gm7 A7 B7
Ituring
mong tayong lahat ay magkakapatid
E G#m A B
Ikaw at
ako, hindi man magkalahi
E B/Eb C#m
Ay dapat
matutong magmahal
E A E/G#
B/Eb C#m
Isipin
mong ikaw, ako, kayong lahat
F#m B break A-E/G#-F#m-B-E hold
Tayong
lahat magkakapatid
Napakasimple ng mensahe, ngunit pandaigdigan:
"Ikaw at ako, hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal, ituring mong
tayong lahat ay magkakapatid!" Wala na dapat anumang uri sa lipunan, wala
na dapat mga mang-aapi, wala na dapat pribadong pag-aaring dahilan ng mga
pang-aapi, dapat mapawi na ang pagsasamantala ng tao sa tao, dapat mabago na at
mapalitan na ang kapitalistang lipunan, upang ang pagkakapatiran ng bawat isa
ay maging ganap!
Ito'y nagpapatunay lamang ng isinulat ni Jacinto sa
Kartilya ng Katipunan: "Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa
tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala
sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit
laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang
asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di nagpapaapi't di
nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang
tinubuan." Ibig sabihin, ang pag-ibig ay pandaigdigan, internasyunal,
dapat magmahalan anuman ang kanyang lahi o kulay ng balat, dahil tayo'y iisa.
Ani nga ni Jacinto sa kanyang akdang "Liwanag at Dilim": "Iisa
ang pagkatao ng lahat!"
Halina't gawin nating theme song ito sa mga
pagkilos na nananawagan ng kapayapaan, at magandang theme song para sa mga
organisasyon tulad ng United Nations (lalo na kung maisasalin sa wikang
Ingles). Ihilera natin ang awiting ito sa "Imagine" ni John Lennon,
at maganda ring makanta ito matapos ang pag-awit ng "Bayan Ko" ni
Jose Corazon de Jesus at "Lipunang Makatao" ng Teatro Pabrika. Tunay
ngang nakapagbibigay-sigla at makahulugan ang awiting ito. Hindi ba, kapatid?
Mga
pinagsanggunian:
1.
http://www.opmtunes.com/songs/n/new-minstrels-ikaw-ako-magkakapatid.html
2. aklat na "Panitikan ng Rebolusyon(g
1986)", ni Virgilio S. Almario, University of the Philippines Press, 1993
3. aklat na "Si Che: Talambuhay at Ilang
Sulatin ni Ernesto 'Che' Guevara", ni Gregorio V. Bituin Jr., Aklatang
Obrero Publishing Collective, Oktubre 2007, p. 26