PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO
salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.
Pinagtibay at prinoklama ng Resolusyon 217 A (III) ng Pangkalahatang Kapulungan noong ika-10 ng Disyembre, 1948.
Noong Disyembre 10, 1948, pinagtibay at prinoklama ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang Bansa ang Pandaigdigang Pahayag ng Karapatang Pantao na ang buong tala ay nasa mga sumusunod na pahina. Kasunod nitong makasaysayang kaganapan, nanawagan ang kapulungan sa lahat ng kasaping bansa na ilathala ang nasasaad sa Pahayag at "maging dahilan ito upang maipamahagi, maipakita, maipabasa at maipaliwanag lalo na sa mga paaralan at iba pang institusyong edukasyonal batay sa kalagayang pulitikal ng mga bansa o teritoryo.
Yayamang ang pagkilala sa likas na dangal at sa pantay at di-maikakait na karapatan ng lahat ng kasapi ng pamilya ng tao ang siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kaganapan sa daigdig,
Yayamang ang pagwawalang-bahala at pag-alipusta para sa karapatang pantao ay nagbunga ng mga gawaing malupit na lumapastangan sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagsapit ng daigdig na ang sangkatauhan ay nagtatamasa ng kalayaan sa pagpapahayag at paniniwala at kalayaan mula sa pangamba at pagnanasa ay ipinahayag na bilang pinakamatayog na hangarin ng karaniwang tao,
Yayamang lubhang kailangan, kung ang tao'y hindi mapipilitang humingi ng tulong, bilang huling takbuhan, ang paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, upang ang karapatang pantao ay maipagsanggalang ng patakaran ng batas,
Yayamang kinakailangang maitaguyod ang pagsulong ng ugnayang pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga bansa,
Yayamang ang mga mamamayan ng Nagkakaisang Bansa ay sa kasunduan muling pinagtibay ang kanilang pagsampalataya sa batayang karapatang pantao, sa dangal at halaga ng isang tao at sa pantay na karapatan ng kalalakihan at kababaihan at nagpasyang itaguyod ang panlipunang pag-unlad at mas magandang pamantayan ng buhay na mas malaya,
Yayamang nangako ang mga Kasaping Estado na magawa, sa pakikipagtulungan ng Nagkakaisang Bansa, ang pagtataguyod ng pandaigdigang paggalang sa at pagtalima sa karapatang pantao at batayang kalayaan.
Yayamang ang pagkaunawa ng lahat sa mga karapatan at kalayaang ito ay may napakalaking kahalagahan para sa ganap na pagsasakatuparan ng pangakong ito,
Ngayon, samakatwid, ipinahahayag ng PANGKALAHATANG KAPULUNGAN itong PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO bilang pamantayan ng lahat ng kahanga-hangang bagay para sa lahat ng tao at lahat ng bansa, na sa huli, bawat tao at bawat lipunan, na pinanatili lagi sa kaisipan ang Pahayag na ito, ay mgsumikap sa pagtuturo at pag-aaral upang maitaguyod ang paggalang sa mga karapatan at kalayaang ito at sa pamamagitan ng maunlad na hakbang, pambansa at pandaigdig, na matiyak ang kanilang pandaigdigan at mabisang pagkilala at pagtalima, kapwa ng mga mamamayan ng kasaping Estado at kapwa ng mga mamamayan ng teritoryong nasa ilalim ng kanilang nasasakupan.
(2) Walang sinumang dapat ituring na may kasalanan sa anumang pagkakasalang mapaparusahan dahil sa mga gawa o pagkaligta na hindi isang pagkakasalang mapaparusahan, sa ilalim ng pambansa o pandaigdigang batas, sa panahong iyon ay naisagawa, o kaya'y ipatupad ang mas mabigat na parusa kaysa sa pinaiiral noong panahong naisagawa ang may-parusang pagkakasala.
(2) Ang lahat ay may karapatang umalis ng anumang bansa, maging ng sariling bansa, at bumalik sa kanyang bansa.
(2) Ang karapatang ito'y di maipapakiusap sa mga kaso ng pag-uusig na totoong nagmumula sa mga krimeng di-pulitikal o sa mga gawaing salungat sa hangarin at simulain ng Nagkakaisang Bansa.
(2) Walang sinumang di-makatarungang aalisan ng kanyang nasyonalidad o pagkaitan ng karapatang palitan ang kanyang nasyonalidad.
(2) Ang pag-aasawa'y dapat lamang pasukin kung may malaya't ganap na pagsang-ayon ng mga mapapangasawa.
(3) Ang pamilya ang likas at batayang pangkat ng lipunan at may karapatang maproteksyunan ng lipunan at ng Estado.
(2) Walang sinuman ang di-makatarungang aalisan ng kanyang pag-aari.
(2) Walang sinumang dapat piliting maging kabilang sa isang samahan.
(2) Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagkamtan ng pampublikong serbisyo sa kanyang bansa.
(3) Ang kalooban ng mga tao ang dapat maging batayan ng kapangyarihan ng pamahalaan; ang kaloobang ito ang dapat maipahayag sa pana-panahon at tunay na halalan na dapat ay sa pamamagitan ng daigdigan at pantay na karapatang maghalal at dapat isagawa sa pamamagitan ng lihim na pagboto o ng kaparehong malayang patakaran ng pagboto.
(2) Ang lahat, ng walang diskriminasyon, ay may karapatan sa pantay na sahod para sa kasukat na trabaho.
(3) Ang sinumang nagtatrabaho ay may karapatan sa makatarungan at mainam na kabayaran na magtitiyak sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ng pamumuhay na nararapat sa dangal ng tao, at may dagdag, kung kinakailangan, ng iba pang paraan ng panlipunang proteksyon.
(4) Ang lahat ay may karapatang magbuo ng at sumapi sa mga unyon para sa proteksyon ng kanyang interes.
(2) Ang pagiging ina at ang kamusmusan ay may karapatan sa di-pangkaraniwang pangangalaga at pagtangkilik. Lahat ng bata, ito ma'y isinilang sa loob o sa labas ng kasal, ay dapat magtamasa ng kaparehong panlipunang proteksyon.
(2) Ang edukasyon ay dapat umaakay tungo sa ganap na pag-unlad ng pagkatao ng tao at sa pagpapatibay ng paggalang sa karapatang pantao at batayang kalayaan. Dapat nating itaguyod ang pagkakaunawaan, pagpapaubaya at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga lipi o relihiyosong pangkat, at itaguyod ang mga gawain ng Nagkakaisang Bansa para sa pagpapanatili ng kapayapaan.
(3) Ang mga magulang ang may pangunahing karapatang pumili kung anong uri ng edukasyon ang nararapat ibigay sa kanilang mga anak.
(2) Ang lahat ay may karapatan sa proteksyon ng kapakanang moral at materyal na ibinunga mula sa anumang akdang pang-agham, pampanitikan o pansining kung saan siya ang may-akda.
(2) Sa paggamit sa kanyang mga karapatan at kalayaan, ang lahat ay nasasakop lamang ng ilang limitasyon na tinukoy ng batas para sa layunin lamang ng pagtitiyak ng nararapat na pagkilala at paggalang para sa mga karapatan at kalayaan ng iba at ang pagkakamit ng nararapat na rekisitos ng moralidad, pampublikong kaayusan at pangkalahatang kagalingan sa isang lipunang demokratiko.
(3) Ang mga karapatan at kalayaang ito ay di dapat gamitin ng salungat sa layunin at prinsipyo ng Nagkakaisang Bansa.
salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.
Pinagtibay at prinoklama ng Resolusyon 217 A (III) ng Pangkalahatang Kapulungan noong ika-10 ng Disyembre, 1948.
Noong Disyembre 10, 1948, pinagtibay at prinoklama ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang Bansa ang Pandaigdigang Pahayag ng Karapatang Pantao na ang buong tala ay nasa mga sumusunod na pahina. Kasunod nitong makasaysayang kaganapan, nanawagan ang kapulungan sa lahat ng kasaping bansa na ilathala ang nasasaad sa Pahayag at "maging dahilan ito upang maipamahagi, maipakita, maipabasa at maipaliwanag lalo na sa mga paaralan at iba pang institusyong edukasyonal batay sa kalagayang pulitikal ng mga bansa o teritoryo.
PREAMBULO
Yayamang ang pagwawalang-bahala at pag-alipusta para sa karapatang pantao ay nagbunga ng mga gawaing malupit na lumapastangan sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagsapit ng daigdig na ang sangkatauhan ay nagtatamasa ng kalayaan sa pagpapahayag at paniniwala at kalayaan mula sa pangamba at pagnanasa ay ipinahayag na bilang pinakamatayog na hangarin ng karaniwang tao,
Yayamang lubhang kailangan, kung ang tao'y hindi mapipilitang humingi ng tulong, bilang huling takbuhan, ang paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, upang ang karapatang pantao ay maipagsanggalang ng patakaran ng batas,
Yayamang kinakailangang maitaguyod ang pagsulong ng ugnayang pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga bansa,
Yayamang ang mga mamamayan ng Nagkakaisang Bansa ay sa kasunduan muling pinagtibay ang kanilang pagsampalataya sa batayang karapatang pantao, sa dangal at halaga ng isang tao at sa pantay na karapatan ng kalalakihan at kababaihan at nagpasyang itaguyod ang panlipunang pag-unlad at mas magandang pamantayan ng buhay na mas malaya,
Yayamang nangako ang mga Kasaping Estado na magawa, sa pakikipagtulungan ng Nagkakaisang Bansa, ang pagtataguyod ng pandaigdigang paggalang sa at pagtalima sa karapatang pantao at batayang kalayaan.
Yayamang ang pagkaunawa ng lahat sa mga karapatan at kalayaang ito ay may napakalaking kahalagahan para sa ganap na pagsasakatuparan ng pangakong ito,
Ngayon, samakatwid, ipinahahayag ng PANGKALAHATANG KAPULUNGAN itong PANDAIGDIGANG PAHAYAG NG KARAPATANG PANTAO bilang pamantayan ng lahat ng kahanga-hangang bagay para sa lahat ng tao at lahat ng bansa, na sa huli, bawat tao at bawat lipunan, na pinanatili lagi sa kaisipan ang Pahayag na ito, ay mgsumikap sa pagtuturo at pag-aaral upang maitaguyod ang paggalang sa mga karapatan at kalayaang ito at sa pamamagitan ng maunlad na hakbang, pambansa at pandaigdig, na matiyak ang kanilang pandaigdigan at mabisang pagkilala at pagtalima, kapwa ng mga mamamayan ng kasaping Estado at kapwa ng mga mamamayan ng teritoryong nasa ilalim ng kanilang nasasakupan.
ARTIKULO 1
Ang lahat ng tao'y isinilang ng malaya at may pantay na karangalan at karapatan. Sila'y pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat makitungo sa bawat isa sa diwa ng pagkakapatiran.
ARTIKULO 2
Ang lahat ng naaangkop sa lahat ng karapatan at kalayaang nasasaad sa Pahayag na ito, ng walang ikinaiiba sa anumang tipo, tulad ng lahi, kulay ng balat, kasarian, wika, relihiyon, pulitikal o ibang palagay, pambansa o panlipunang pinagmulan, pag-aari, pagsilang o anumang kalagayan. Dagdag pa rito, walang anumang pagkakaiba ang dapat likhain sa batayang pulitikal, nasasakupan o pandaigdigang kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng isang tao, ito man ay independyente, pinagtitiwalaan, di-makapamahala-ng-sarili o sa ilalim ng anumang takda ng pagsasarili.
ARTIKULO 3
Ang lahat ay may karapatan sa buhay, kalayaan at kaligtasan ng tao.
ARTIKULO 4
Walang sinumang dapat ipailalim sa pang-aalipin o pambubusabos; ang pang-aalipin at pangangalakal ng alipin ay dapat ipagbawal sa lahat ng anyo nito.
ARTIKULO 5
Walang sinumang dapat dumanas ng pahirap o ng malupit, di makatao o mapang-aglahing pagtrato o pagpaparusa.
ARTIKULO 6
Ang lahat ay may karapatang kilalanin saanman bilang tao sa harap ng batas.
ARTIKULO 7
Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan ng walang anumang diskriminasyon sa pantay na proteksyon ng batas. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na proteksyon laban sa anumang diskriminasyon na lumabag sa Pahayag na ito at laban sa anumang pang-uudyok sa gayong diskriminasyon.
ARTIKULO 8
Ang lahat ay may karapatan sa mabisang pagtulong ng mga may-kakayahang pambansang hukuman para sa mga kilos na lumalabag sa mga batayang karapatang ipinagkaloob sa kanya ng konstitusyon o ng batas.
ARTIKULO 9
Walang sinumang dapat ipailalim sa di-makatwirang pagdakip, pagkapiit o pagkakakulong.
ARTIKULO 10
Ang lahat ay may karapatan sa ganap na pagkakapantay sa isang patas at hayagang pagdinig ng isang independyente at walang kinikilingang hukuman, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at tungkulin at ng anumang kasong kriminal laban sa kanya.
ARTIKULO 11
(1) Sinumang pinaratangan ng pagkakasalang mapaparusahan ay may karapatang ituring na walang kasalanan hangga’t di napatunayang nagkasala ayon sa batas sa isang hayagang paglilitis kung saan nasa kanya ang lahat ng garantiyang kinakailangan para sa depensa.(2) Walang sinumang dapat ituring na may kasalanan sa anumang pagkakasalang mapaparusahan dahil sa mga gawa o pagkaligta na hindi isang pagkakasalang mapaparusahan, sa ilalim ng pambansa o pandaigdigang batas, sa panahong iyon ay naisagawa, o kaya'y ipatupad ang mas mabigat na parusa kaysa sa pinaiiral noong panahong naisagawa ang may-parusang pagkakasala.
ARTIKULO 12
Walang sinumang dapat ipailalim sa di-makatwirang pakikialam sa kanyang pribadong buhay, pamilya, tahanan o pakikipaglihaman, maging sa pagbatikos sa kanyang karangalan at pangalan. Ang lahat ay may karapatan sa proteksyon ng batas laban sa mga ganitong pakikialam o pagbatikos.
ARTIKULO 13
(1) Ang lahat ay may karapatan sa malayang pagkilos at pananahan sa loob ng hangganan ng bawat bansa.(2) Ang lahat ay may karapatang umalis ng anumang bansa, maging ng sariling bansa, at bumalik sa kanyang bansa.
ARTIKULO 14
(1) Ang lahat ay may karapatang maghanap at matamasa sa ibang mga bansa ang pagpapaampon mula sa pag-uusig.(2) Ang karapatang ito'y di maipapakiusap sa mga kaso ng pag-uusig na totoong nagmumula sa mga krimeng di-pulitikal o sa mga gawaing salungat sa hangarin at simulain ng Nagkakaisang Bansa.
ARTIKULO 15
(1) Ang lahat ay may karapatan sa nasyonalidad.(2) Walang sinumang di-makatarungang aalisan ng kanyang nasyonalidad o pagkaitan ng karapatang palitan ang kanyang nasyonalidad.
ARTIKULO 16
(1) Ang mga lalaki at babaeng may sapat na gulang, nang walang paghadlang dahil sa lahi, nasyonalidad o relihiyon, ay may karapatang makapag-asawa at magkaroon ng pamilya. Sila'y naaangkop sa pantay na karapatan sa pag-aasawa, habang may-asawa at sa pagkabuwag nito.(2) Ang pag-aasawa'y dapat lamang pasukin kung may malaya't ganap na pagsang-ayon ng mga mapapangasawa.
(3) Ang pamilya ang likas at batayang pangkat ng lipunan at may karapatang maproteksyunan ng lipunan at ng Estado.
ARTIKULO 17
(1) Ang lahat ay may karapatang magkaroon ng pag-aaring kanya lamang at maging kasama ang iba.(2) Walang sinuman ang di-makatarungang aalisan ng kanyang pag-aari.
ARTIKULO 18
Ang lahat ay may karapatan sa kalayaang mag-isip, budhi at relihiyon; kasama sa karapatang ito ang pagpapalit ng relihiyon o paniniwala, at kalayaang, maging sa sarili lamang o kasama ang iba pa sa pampubliko man o pribado, maipahayag ang kanyang relihiyon o paniniwala sa pagtuturo, pagsasabuhay, pagsamba at pagdiriwang.
ARTIKULO 19
Ang lahat ay may karapatan sa malayang pananaw at pagpapahayag; kasama sa karapatang ito ang malayang pananaw ng walang pakikialam at ang maghanap, tumanggap at magbahagi ng impormasyon at kaisipan sa pamamagitan ng anumang media at ng walang pagsasaalang-alang sa mga hangganan.
ARTIKULO 20
(1) Ang lahat ay may karapatan sa kalayaan sa mapayapang asambliya at samahan.(2) Walang sinumang dapat piliting maging kabilang sa isang samahan.
ARTIKULO 21
(1) Ang lahat ay may karapatang maging bahagi sa pamahalaan ng bawat bansa, direkta man o sa pamamagitan ng malayang pagpili ng kinatawan.(2) Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagkamtan ng pampublikong serbisyo sa kanyang bansa.
(3) Ang kalooban ng mga tao ang dapat maging batayan ng kapangyarihan ng pamahalaan; ang kaloobang ito ang dapat maipahayag sa pana-panahon at tunay na halalan na dapat ay sa pamamagitan ng daigdigan at pantay na karapatang maghalal at dapat isagawa sa pamamagitan ng lihim na pagboto o ng kaparehong malayang patakaran ng pagboto.
ARTIKULO 22
Ang lahat, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa panlipunang seguridad at naaangkop na pagsasakatuparan, sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pandaigdigang ugnayan at alinsunod at alinsunod sa mga organisasyon at rekurso ng bawat Estado, ng karapatang pang-ekonomya, panlipunan at pangkalinangan, kailangang-kailangan oara sa kanyang dangal at sa malayang pag-unlad ng kanyang pagkatao.
ARTIKULO 23
(1) Ang lahat ay may karapatan sa pagtatrabaho, sa malayang pagpili ng pagtatrabahuhan, sa makatarungan at mainam na kalagayan sa pagtatrabaho at sa proteksyon laban sa kawalan ng trabaho.(2) Ang lahat, ng walang diskriminasyon, ay may karapatan sa pantay na sahod para sa kasukat na trabaho.
(3) Ang sinumang nagtatrabaho ay may karapatan sa makatarungan at mainam na kabayaran na magtitiyak sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ng pamumuhay na nararapat sa dangal ng tao, at may dagdag, kung kinakailangan, ng iba pang paraan ng panlipunang proteksyon.
(4) Ang lahat ay may karapatang magbuo ng at sumapi sa mga unyon para sa proteksyon ng kanyang interes.
ARTIKULO 24
Ang lahat ay may karapatan sa pahinga at malayang oras, kasama ang makatwirang pagtatakda ng oras-paggawa at pana-panahong bakasyon ng may bayad.
ARTIKULO 25
(1) Ang lahat ay may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan niya at ng kanyang pamilya, kasama ang pagkain, pananamit, paninirahan at pangangalagang pangkalusugan at kinakailangang panlipunang serbisyo, at ang karapatan sa seguridad sa kanilang nawalan ng trabaho, pagkakasakit, pagkakaroon ng kapansanan, pagkabalo, pagtanda o pagkukulang sa kabuhayan sa mga kalagayang di niya hawak.(2) Ang pagiging ina at ang kamusmusan ay may karapatan sa di-pangkaraniwang pangangalaga at pagtangkilik. Lahat ng bata, ito ma'y isinilang sa loob o sa labas ng kasal, ay dapat magtamasa ng kaparehong panlipunang proteksyon.
ARTIKULO 26
(1) Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay nararapat na walang bayad, kahit man lang sa antas ng elementarya at sekundarya. Ang edukasyon sa elementarya ay dapat kunin ng lahat. Ang edukasyong teknikal at prupesyunal ay nararapat na nakukuha ng pangkalahatan at ang mas mataas na edukasyon ay dapat na pantay na nakakamtan ng lahat sa batayan ng merito.(2) Ang edukasyon ay dapat umaakay tungo sa ganap na pag-unlad ng pagkatao ng tao at sa pagpapatibay ng paggalang sa karapatang pantao at batayang kalayaan. Dapat nating itaguyod ang pagkakaunawaan, pagpapaubaya at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga lipi o relihiyosong pangkat, at itaguyod ang mga gawain ng Nagkakaisang Bansa para sa pagpapanatili ng kapayapaan.
(3) Ang mga magulang ang may pangunahing karapatang pumili kung anong uri ng edukasyon ang nararapat ibigay sa kanilang mga anak.
ARTIKULO 27
(1) Ang lahat ay may karapatan sa malayang paglahok sa buhay pangkalinangan ng pamayanan, matamasa ang mga sining at makapagbahagi sa pagsulong ng agham at ng mga kapakinabangan ng mga tao.(2) Ang lahat ay may karapatan sa proteksyon ng kapakanang moral at materyal na ibinunga mula sa anumang akdang pang-agham, pampanitikan o pansining kung saan siya ang may-akda.
ARTIKULO 28
Ang lahat ay may karapatan sa isang panlipunan at pandaigdigang kaayusan kung saan ang mga karapatan at kalayaang nakasaad sa Pahayag na ito ay ganap na naisasakatuparan.
ARTIKULO 29
(1) Ang lahat ay mga tungkulin sa pamayanan kung saan lamang malaya at ganap na pag-unlad ng kanyang pagkatao ang maaaring maganap.(2) Sa paggamit sa kanyang mga karapatan at kalayaan, ang lahat ay nasasakop lamang ng ilang limitasyon na tinukoy ng batas para sa layunin lamang ng pagtitiyak ng nararapat na pagkilala at paggalang para sa mga karapatan at kalayaan ng iba at ang pagkakamit ng nararapat na rekisitos ng moralidad, pampublikong kaayusan at pangkalahatang kagalingan sa isang lipunang demokratiko.
(3) Ang mga karapatan at kalayaang ito ay di dapat gamitin ng salungat sa layunin at prinsipyo ng Nagkakaisang Bansa.
ARTIKULO 30
Walang anuman sa Pahayag na ito ang dapat ipakahulugan na nagpapahiwatig para sa anumang Estado, pangkat o tao ng anumang karapatang kumilos sa anumang aktibidad o magsagawa ng anumang aksyong may layuning magwasak sa alinmang karapatan at kalayaang nakasaad dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento