PAMBATA NGA LANG BA ANG YAKULT AT MILO?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nagtaka ako nang minsang bumili ako ng Yakult ay inalok ko ang mga kasama. Lahat sila ay tumanggi. At ang sabi ng isa, pambata iyan.
Ah, kaya pala. Ayaw nilang mag-Yakult kahit nais nila, dahil sa konotasyong para lang sa bata ang Yakult.
Sa isang opisina naman, pinagkakape ako, pero tumanggi ako. Ang ininom ko ay Milo. Sabi ng isang kasama, "Bakit ba ayaw mong magkape, at mas gusto mo ang Milo?"
Tugon ko, pampalakas ng katawan ang Milo kaysa kape. At idinagdag ko pa na sabi pa nga ng mga kontrabida sa pelikula ni FPJ, kaya raw kinakabahan ang isa niyang kasamang kontrabida ay dahil sa kakainom ng kape.
Para sa ilang kasama, ang Yakult at Milo ay pambata. Ngunit kung susuriin mo ang nakasulat sa puting garapa ng Yakult at pakete ng Milo, wala roong nakasulat na iyon ay pambata, bagamat may mga litrato ng batang atleta sa Milo. Ang meron na hindi kadalasang pinapansin ay ang mga bitamina at mineral na nakasulat doon na dapat basahin, at umano'y makukuha mo sa pag-inom niyon.
At ang mga bitamina at mineral na nakasulat doon ang dahilan kung bakit Yakult at Milo ang kadalasan kong iniinom at hindi kape.
Palagay ko, may paniwala silang pag tumatanda ka na, ang dapat iniinom na ay kape. Ngunit hindi iyon ang paniwala ko, kundi sa kabila ng tumatanda na ako ay gusto ko pa ring maging malusog ang aking pangangatawan.
Nuong bata pa kami, ang ibinibili sa amin ng tatay ko ay Sustagen. Parang tsokolate. Masarap, at talagang inaabangan namin pati ang patalastas nito sa telebisyon. Kaya pag napanood na namin ang patalastas, magtitimpla kami agad, lalo na pagkatapos ng mga palabas na cartoons na Voltes V, Mazinger Z, Daimos, Mekanda Robot, at iba pa. Bagong labas lang noon ang Sustagen sa pamilihan, at bago iyon, ang binibili namin lagi ay gatas na Alaska na malapot na inilalagay namin sa tsamporado, at Nido na pulbos.
Pero pambata nga ba ang Yakult at Milo? Sa mga komersyal sa telebisyon, mas ineengganyo ang mga bata na uminom nito upang lumakas sila. Kaya nga pulos mga bata ang modelo ng Yakult at Milo. Para sa mga nagnenegosyo nito, pangunahing puntirya nila sa negosyo ay ang mga bata. Kaya mga bata ang ineengganyo nila upang kumita ng malaki at tumubo. Ang mga bata kasi, pag sinabi kung ano ang gusto nila, ibinibili agad sila ng kanilang tatay o nanay. Ganyan ang kalakalan. May pinupuntirya silang uri ng tao na siyang tingin nila'y agad bibili ng kanilang produkto. Nang sa gayon ay kumita sila at hindi malugi sa negosyo.
Ngunit kung susuriin ang mga nakasulat sa garapa ng Yakult at pakete ng Milo, mas pinatatampok ang mga kinakailangang bitamina at mineral para lumakas ang katawan ng isang tao, bata man siya o matanda, may ngipin man o wala, may buhok man o kalbo, kayumanggi man o tisoy, piki man o sakang, mayaman man o mahirap. At ang sabi ko nga sa mga kasama, paano ka tatagal sa laban kung hindi mo iisipin ang iyong kalusugan?
Pampalakas ng katawan. Iyan ang nais kong laging sabihin sa kanila, hindi dahil sa ayaw kong magkape. Nais ko ring humigop ng kape, lalo na pag ako'y nasa lalawigan at pinaiinom ako ng kapeng barako. Aba'y kaysarap.
Ngunit masasabi ko pa rin, hindi lang pambata ang Yakult at Milo. Ito'y para sa lahat ng gustong maging malakas ang katawan at ayaw magkasakit.