salamat sa aklat ng mga tulang isinalin ni Fr. Albert Alejo, na siya ring nagsalin sa wikang Filipino ng Rerum Novarum na isang encyclical on workers rights
Sabado, Hunyo 11, 2016
Linggo, Mayo 29, 2016
Huwebes, Mayo 12, 2016
Paglalakbay upang saksihan ang LUA, isang tradisyunal na pagtula sa Batangas
PAGLALAKBAY UPANG SAKSIHAN ANG LUA, ISANG TRADISYUNAL NA PAGTULA SA BATANGAS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kailangan kong umuwi sa pista sa isang nayon sa Batangas sa Mayo 16 upang saksihan at kunan ng video ang isinasagawang LUA (binibigkas ng lu-wá) o pagbigkas ng tula mula sa tuklong (maliit na kapilya) kasabay ng prusisyon ng mga taganayon alay sa patron, at bibigkasin sa isinagawang entablado sa dulo ng nayon, at maglulua muli pagbalik na sa tuklong. Karaniwang ikaanim ng gabi nagsisimula ang prusisyon.
Ilang beses ko nang nagisnan ito mula pa nang ako'y bata pa habang nagbabakasyon sa nayon ng aking ama. Kaya malimit kong marinig noon na may lulua raw, at si ganito o si ganoon ang lulua. Ngunit noong isang taon ko lamang naisip na i-record ang tungkol sa LUA, ngunit noong panahong iyon ay wala pa akong kamera o cellphone camera na magagamit para i-record iyon. Kaya ngayong taon ko ito magagawa pagkat may cellphone camera ako na magagamit. Buti na lang at may gamit ako ngayon.
Sabi ng nakatatanda kong kapatid na babae, hindi lamang sa pista sa isang nayon sa Balayan mayroong naglu-LUA, kundi sa maraming bayan din tulad ng Taal at Nasugbu. Ayon pa sa kanya, alam ng mga nakaririnig noon kung saang bayan nagmula ang lua pag narinig na nila ang punto (o pagsasalitang may punto). May iba na taun-taon ay nagsusulat ng tula para bigkasin ng mga lulua, habang sa ibang bayan o nayon naman ay may nakahanda nang lua na bibigkasin na lamang.
Bilang isang makata at manunulat, tungkulin ko sa panitikan na ipalaganap at isalaysay ang mga ganitong pagtitipon lalo na't ito'y mahalagang bahagi ng ating panitikan. Nais kong isulat ang hinggil dito dahil wala pa akong nakita sa mga aklat-pampanitikan na nagsulat hinggil sa tradisyunal na pagtula sa Batangas, ang LUA, bagamat may naglagay na nito sa youtube ngunit walang anumang paliwanag. Nais ko itong gawan ng mahaba-habang sanaysay at pag-aaral.
Kailangan kong umuwi sa Mayo 16 para maisagawa ko ang saliksik, dahil kung hindi ko ito magagawa ngayon ay next year pa (2017) ko na ito magagawa. Doon muna ako tutuloy sa matandang bahay ng mga namayapa kong mamay, kung saan wala nang taong nakatira doon. At sa ulilang bahay na iyon magpapalipas ng isa o dalawang araw upang mapaghandaan pa ang saliksik na ito hinggil sa LUA ng Batangas.

Lunes, Pebrero 22, 2016
Pagsasanay sa Climate Reality ngayong Marso 14-16, 2016
PAGSASANAY SA CLIMATE REALITY NGAYONG MARSO 14-16, 2016
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ilang taon na rin akong inimbita para mag-training sa Climate Reality Project with Al Gore. Ang problema ko noon ay sa ibang bansa gaganapin at kailangan ng malaking halaga para sa spnsorship. Libre ang training, ngunit bahala ka sa gastos sa eroplano mo at hotel booking. Hindi kaya ng bulsa ko ang gastusin.
Ngayong 2016, gaganapin na ito sa Maynila sa Marso 14-16. Kaya agad akong nagpasa ng application form at nagbakasakaling isa sa mga mabigyan ng pagkakataong makapag-training kay Al Gore. Libre ang training at di na magastos dahil Maynila lang ito, malapit sa CCP Complex. Mas maliit ang gastos kumpara sa libreng training sa ibang bansa. Di ko na rin kailangang mag-hotel booking dahil di na ako sa hotel tutuloy kundi sa bahay ng nanay ko sa Maynila.
Ang kalaban ko lang dito sa atin ay traffic. Kaya matulog ng maaga, ayusin ang alarm clock, agahan ang gising at pagkilos upang makarating ng on time sa training.
Maraming salamat at natanggap ako bilang isa sa mga magte-training kay Al Gore. Una kong narinig na sinabi niyang ilulunsad ang next training ng Climate Reality Project sa Marso 2016 dito sa Pilipinas nang makadaupang-palad namin siya sa Green Zone ng COP 21 sa Paris nitong Disyembre 2015, kasama ang iba pang mga naglakad sa climate pilgrimage.
Sa muli, maraming salamat sa pagkakataong ito na ibinigay sa inyong lingkod.
Nuong nakaraang Enero nang ako ay mag-apply sa training na ito ay nakasulat sa application form kung ano ang sampung gagawin ko matapos ang tatlong araw na training na ito. At ito ang aking isinagot:
1. Organize a climate event on April 22 (International Earth Day), June 5 (World Environment Day), and other days relating to the climate and the environment)
2. Write an article, whether it be news article, features and essay, about the climate.
3. Interview people and conducting researches on areas devastated by climate change in the Philippines.
4. Write a blog about climate and sharing it to social media.
5. Research certain laws on climate, form a group to review and analyze it, and then give a suggestion on congress and senate.
6. Give a talk on climate forum in schools, offices, and communities.
7. Organize mass mobilizations for the issue of climate justice.
8. Write a poem twice a week about the issue of climate.
9. Talk with village chieftains in the rural areas about the issue of climate change.
10. Publish a book of poems, stories, and essays, regarding climate.
Ang sampung ito ang ipinangako kong aking gagawin matapos ang training. Kaya pagbubutihan ko ang pag-aaral na ito, dahil bihira ang pagkakataong ibinigay na ito, at masarap sa pakiramdam na isa ako sa nabigyan ng bihirang pagkakataong ito. Kaya maraming, maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta upang isa ako sa matanggap na mag-training sa Climate Reality Project with Al Gore.
Tinanong din ako ako sa application form kung anu-ano ang mga samahang ire-representa ko sa Climate Reality Project, at ito ang mga inilagay ko. Isinulat ko muna ay Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ). Akala ko, sapat na iyon. Nagtanong uli kung ano pa. Isinulat ko naman ay Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Enter sa computer. Ano pa raw organisasyon. Kaya inilagay ko naman ay SANLAKAS. Enter uli sa computer. Akala ko, marami pang itatanong na org, pero hanggang tatlo lang. Kaya ang tatlong iyan ang nire-represent ko sa training ng Climate Reality Project ngayong Marso. Para kumpleto, nagpasa rin ako ng aking litrato at resume.
Maraming salamat sa mga kasama sa PMCJ, Climate Walk from Manila to Tacloban (2014), People's Pilgrimage from Rome to Paris (2015), Jubilee South - Asia-Pacific Movement on Debt and Development (JS-APMDD), SANLAKAS, BMP, Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Partido Lakas ng Masa (PLM), Zone One Tondo Organization (ZOTO), Alyansa ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA), Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), at sa itinayo kong grupong pampanitikan na Maso at Panitik, sa Green Collective, Green Convergence, Green Peace, Green Coalition, Diwang Lunti, Nuclear-Free Pilipinas, Consumer Rights for Safe Food (CRSF), at marami pang iba.
Nawa'y malaki ang maitulong ng training na ito sa ating kampanya para sa climate justice. Tulad ng isinisigaw namin sa 1,000 km na Climate Walk noong 2014 mula Maynila hanggang Tacloban, "Climate Justice, Now!"
Linggo, Pebrero 21, 2016
Kamatayan ng dalawang nobelista
KAMATAYAN NG DALAWANG NOBELISTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ika-19 ng Pebrero, 2016, dalawang higanteng nobelista ang namaalam na. Namahinga mang tuluyan ang katawan nina Harper Lee at Umberto Eco, ang kanilang mga nobela ay mananatiling buhay.
Isinilang si Harper Lee sa Monroeville, Alabama sa Estados Unidos noong ika-28 ng Abril, 1926, kung saan doon na rin siya namatay sa gulang na 89. Isinilang naman si Umberto Eco sa Alessandria, Piedmont, sa Italy noong ika-5 ng Enero, 1932, at namatay sa Milan, Lombardy, sa Italy sa gulang na 84.
Kinilala si Harper Lee bilang nobelista nang malathala ang kanyang nobelang "To Kill a Mockingbird" noong 1960. Kinilala naman si Umberto Eco nang malathala naman ang kanyang nobelang "Il nome della rosa (The Name of the Rose)" noong 1980.
Noong una'y kilala si Harper Lee na nobelistang may iisang nobelang nalathala. Ngunit nitong Hulyo 2015 ay inilathala ang kanyang ikalawang nobela na pinamagatang "Go Set a Watchman", na umano'y isinulat noong kalagitnaan ng 1950s, na sa kalaunan ay sinabing iyon ang unang burador ng nobelang "To Kill a Mockingbird". Nakapagsulat din siya ng mga artikulo para sa iba't ibang magasin, tulad ng "Love—In Other Words" sa magasing Vogue, na nalathala noong 1961, at "Open letter to Oprah Winfrey" sa O: The Oprah Magazine, noong Hulyo 2006. Nagwagi ng Pulitzer Prize noong 1961 ang kanyang nobelang "To Kill a Mockingbird".
Si Umberto Eco naman ay marami pang inilathalang nobela matapos ang The Name of the Rose. At ito'y ang mga sumusunod: Il pendolo di Foucault (1988; isinalin sa Ingles na Foucault's Pendulum, 1989); L'isola del giorno prima (1994; isinalin sa Ingles na The Island of the Day Before, 1995); Baudolino (2000; isinalin sa Ingles na Baudolino, 2001); La misteriosa fiamma della regina Loana (2004; isinalin sa Ingles na The Mysterious Flame of Queen Loana, 2005); Il cimitero di Praga (2010; isinalin sa Ingles na The Prague Cemetery, 2011); at ang Numero zero (2015; isinalin sa Ingles na Numero Zero, 2015). Nagsulat din siya ng iba pang mga aklat na hindi kathang-isip (non-fiction books), antolohiya, at mga aklat pambata.
Si Harper Lee ay nakilala ko noong nasa high school pa ako dahil lagi ko nang nakikita sa mga bookstore ang kanyang nobelang "To Kill A Mockingbird", at sa mga book review. Si Umberto Eco naman ay nakilala ko dahil tinalakay siya ni Edgar Calabia Samar sa aklat nitong "Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela", kung saan nagbigay pa siya ng isang seksyon dito na may pamagat na "Si Eco at ang Pagsisiyasat sa Kaligirang Historikal".
Dalawang higante ng panitikan. Parehong petsa ng mamatay. Nauna sa kanila'y sabay ding namatay ang dalawa pang higante ng panitikan - sina William Shakespeare at Miguel de Servantes, kung saan sa darating na Abril 23, 2016 ay sabay na gugunitain ng mundo ang kanilang ika-400 anibersaryo ng kamatayan.
Ang pamana nina Lee at Eco ay hindi mamamatay, bagkus mananatili, di lamang sa puso ng kanilang mga tagahanga, kundi sa mga susunod pang mga salinlahing hindi pa sila kilala, ngunit makikilala sila dahil sa kanilang naiwang pamana sa panitikang pandaigdig.
Wika nga ni Isagani Cruz, pangulo ng The Manila Times College: "Writers do not die nor fade away. They live forever in their masterpieces." Isinalin ko ito ng ganito: "Ang mga manunulat ay hindi namamatay o kusang naglalaho. Sila'y nabubuhay magpakailanman sa pamamagitan ng kanilang mga lakang-akda o obra-maestra."
Siyang tunay, pagkat nabuhay tayong kapiling na natin ang kanilang mga akda, at kung pipiliin nating matiyagang basahin ang kanilang mga obra ay mapagninilayan natin ang timyas ng panitik na kanilang pamana.
Mga pinagsanggunian:
http://www.theguardian.com/books/2016/feb/19/harper-lee-author-to-kill-a-mockingbird-dies-alabama
http://www.theguardian.com/books/2016/feb/20/italian-author-umberto-eco-dies-aged-84
https://en.wikipedia.org/wiki/Harper_Lee
https://en.wikipedia.org/wiki/Umberto_Eco
aklat na Halos Isang Buhay, ni EdgarCalabia Samar

Mga etiketa:
sa lungga ng makatâ
Linggo, Pebrero 14, 2016
Pagmumuni sa Araw ng mga Puso
PAGMUMUNI SA ARAW NG MGA PUSO
Ano po kayang aktibidad sa Heart Center ngayong Araw ng mga Puso?
May magagawa kaya silang pagbabago sa mga pulitikong walang puso? (Wala? Wala ngang puso, eh.)
Sinong kandidato ang napupusuan mo?
Bakit pag kampanyahan, nagiging may puso ang mga pulitikong walang puso? (Syempre, dahil sa boto.) Nakakaarkila kaya sila ng puso kaya sa mga dukha' y muling nangangako?
Miyerkules, Pebrero 10, 2016
Aming asong nabikig ng stick ng banana q
AMING ASONG NABIKIG NG STICK NG BANANA Q
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nabilaukan kanina ang aming asong si Kristyan, alaga ng BMP. Pumasok sa kanyang ngalangala yung nabaling stick ng banana cue. Hindi niya matanggal. Hindi naman niya alam paano gamitin ang kanyang dalawang unahang paa para tanggalin ang bikig, di tulad nating mga tao na susungkitin lang natin ng daliri ang anumang nakabikig sa atin.
Nag-alala kami ng mga kasama. Nakita kong may dugo na ang kanyang gilagid at ikot ng ikot para matanggal ang stick. Miting kanina ng mga taga-Sanlakas sa Sanlakas ofc, at nagmiryenda ng banana cue at lumpya.
Sino ba ang magtatanggal ng stick sa loob ng bibig ng aso, baka makagat sila o masugatan ng ngipin ng aso. Kailangang dalhin sa beterinaryo para ipatanggal yung stick na nakabikig.
Mas makapal ang stick ng banana cue kaysa stick ng barbecue na lagi niyang binabali ng ngipin. Ikinabit ko muna ang tali niya sa leeg para hindi siya tumakbo at makontrol ko para makuha yung nakabikig sa kanya.
Nagpahanap ako ng plais na long nose para pantanggal nang hindi nasasagi ng ngipin ng aso ang aking kamay. Wala. Ang meron ay hand grip. Mas malaki kaysa long nose na pahaba naman. Pinahawak ko sa isang kasama yung hand grip habang hawak ko naman ang bibig ng aso. Ngunit dahil hindi naman niya alaga iyon ay nag-alala siyang makagat. Dahil atubili siya at di naman niya alaga ang aso, kinuha ko na ang hand grip para matanggal na.
Mabait si Kristyan, habang hawak ko yung tali sa leeg, kinausap ko, buka bibig, at ipinasok yung hand grip, umilag. Ipinasok ko muli at umilag muli. Hanggang naipasok ko na sa bibig niya yung hand grip at nailuwa niya yung 3-inches na stick na nagpahirap sa kanya.
Dali-dali kong binigyan ng tubig si Kristyan, at marahil dahil sa pagod, halos kalahati rin sa inuman niya ang naubos. Malungkot na naman siya kasi kailangan kong umalis para sa ilang gawain.
Aral: Huwag bigyan ng stick ng banana cue ang aso para kanyang paglaruan ng ngipin at bali-baliin upang di na siya muling mabikig.
Mga etiketa:
Pagsalunga sa Agos
Huwebes, Disyembre 17, 2015
Ilang balakin sa pagbabalik
Trabaho agad pagkabalik sa bansa mula sa mahigit isang buwan sa France. Ito ang mga inihahanda ko ngayon:
1. Aklat para sa ika-50 anibersaryo ng kasal ng aking ama't ina sa Enero 2016.
2. Rebyu at pagsasaaklat ng salin ng Laudato Si sa wikang Filipino, Enero 2016.
3. Aklat ng mga tula hinggil sa Climate Pilgrimage para sa Enero-Pebrero 2016.
4. Paghahanda ng ilang salin para sa ika-400 anibersaryo ng kamatayan ni William Shakespeare sa Abril 23, 2016.
5. Patuloy na pananaliksik pangkasaysayan
6. At iba pa...
- gregbituinjr.

Sabado, Setyembre 19, 2015
Laudato Si, naisalin na sa wikang Filipino
LAUDATO SI, NAISALIN NA SA WIKANG FILIPINO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Maraming salamat sa mga kasama sa Climate Walk. Nang dahil sa kanilang pagtitiwala sa kakayahan ng inyong lingkod ay pinagsikapan kong isalin sa wikang Filipino ang Laudato Si, ang bagong Ensikliko ni Pope Francis. Sa ngayon ay natapos na ang salin sa wikang Filipino ng Laudato Si. Ilang editing na lang at maaari nang ilathala.
Ang Climate Walk ay isang mahabang lakaran mula Kilometer Zero (Luneta) hanggang Ground Zero (Tacloban) na ginanap mula Oktubre 2, 2014 hanggang Nobyembre 8, 2014, ang unang anibersaryo ng matinding bagyong Yolanda.
Nitong Hunyo 18, 2015, naglakad ang ilang kasapi ng Climate Walk mula sa Kilometer Zero hanggang Simbahan sa Remedios Circle sa Malate, kasama na ang ilang parishioner nito. Nagkaroon ng programa sa loob ng simbahan hinggil sa Ensiklikong pinamagatang Laudato Si, o "Praise Be!" na isinulat ni Pope Francis. Ito'y sulatin ng Simbahan hinggil sa kalagayan ng ating mundo, tungkol sa kahirapan at di pagkakapantay-pantay sa daigdig, at anong dapat nating gawin sa nagbabagong klima, o climate change.
Matapos ang programa, napag-usapan ng ilang kasapi ng Climate walk kung gaano kahalaga ang nilalaman ng Laudato Si at dapat itong maipaunawa sa mamamayan. Kaya kinausap ako nina Rodne Galicha ng Climate Reality at Naderev "Yeb" Saño, dating Commissioner ng Climate Change Commission, na maisalin ito sa wikang Filipino, na agad kong sinang-ayunan. Isang malaking karangalan na sa akin ipinagkatiwala ang pagsasalin ng mahabang dokumentong iyon, na umaabot ng 246 na talata at 82 pahina sa pdf file. Kaya agad kong sinaliksik ang dokumentong iyon sa internet at ang-download ng pdf file, na siya kong isinalin.
Sinimulan ko ang pagsasalin noong Hunyo 24 at ginawan ko ito ng blog sa internet upang makita na ng mga kasama ang unti-unting pagsasalin ng Laudato Si. At natapos ko naman ang salin noong Setyembre 16, 2015. Kaya umabot ito ng higit sa dalawa't kalahating buwan. Makikita ito sa http://laudatosi-bersyongpinoy.blogspot.com/. Bawat araw ay isinasalin ko muna ang limang talata, at ina-upload. Kumbaga, isinisingit ko sa gabi, o sa libreng oras sa araw ang pagsasalin.
Kung nagsimula ako ng Hunyo 24, at limang talata kada araw, dapat matatapos ko ang 246 na talata ng Agosto 12, 2015. (246 talata divided by 5 equals = 49.2 o 50 days) Ngunit dahil sa dami ng trabaho, at may isinasalin ding ibang dokumento, ay nabinbin din ang pagsasalin ng Laudato Si. Nais ko sanang matapos iyon nang maaga. Noong Hulyo ay nakapagsalin ako ng 50 talata, Hulyo ay 120 talata, Agosto ay 25 lamang, at Setyembre ay 51 talata.
Mahirap din ang magsalin, dahil kinakailangan mong hanapin ang angkop na salin at kahulugan ng salita, at kung mayroon ba itong katumbas sa wikang Filipino. Nakatulong ng malaki sa pagsasalin ang English-Tagalog Dictionary, ni Fr. Leo English, ang UP Diksyunaryong Filipino, at ang Wikipedia.
Sa Wikipedia ko nakita ang salin ng Holy See, o Banal na Sede. Nakita ko naman sa English-Tagalog Dictionary, ni Fr. Leo English, ang salin ng dam sa Filipino, at ito'y saplad. Sa pahina 175 ng UP Diksyunaryong Pilipino nakita ko naman ang angkop na salin ng biodiversity (bá-yo-day-vér-si-tí) na nangangahulugang pagkakaiba-iba ng mga haláman at hayop, at ito'y saribuhay. Sa Wikipedia ay nakita kong ang salin ng cereal ay angkak o sereales.
Bilang makata, mahalaga ang mga salin sa wikang Filipino upang magamit sa pagtula, at maipaunawa sa iba na hindi dapat laging ginagawang Kastila ang mga wikang Ingles pag isinasalin sa wikang Filipino. Ang community na isinasalin ng komunidad (na sa Kastila ay comunidad) ay may salin pala sa wikang Filipino, at pamayanan ang tamang salin ng community sa wikang Filipino.
May mahirap ding hanapan ng salin, tulad ng aquifer - akwiper na nasa talata 38. An aquifer is an underground layer of water-bearing permeable rock or unconsolidated materials (gravel, sand, or silt) from which groundwater can be extracted using a water well. Hinanap ko ang katumbas nito sa UP Diksyunaryong Filipino at sa English-Tagalog Dictionary, ni Fr. Leo English, ngunit wala ito roon. Marahil may katumbas na salita ito sa wikang Filipino na alam ng mga mangingisda.
May salin din na tila hindi angkop, tulad ng salitang collateral sa talata 49 na ang salin ay ginarantiyahan, ayon sa English-Tagalog Dictionary, ni Fr. Leo English, p. 167. Kaya pag isinalin natin ang collateral damage, ito'y magiging ginarantiyahang pinsala, na palagay ko'y hindi talaga angkop. Dahil sa digmaan, ang sinumang sibilyang madamay sa digmaan, minsan ay itinuturing na collateral damage, o sa pagkaunawa agad, ito'y mga nadamay lang ngunit hindi dapat mamatay. Subalit pag isinalin mo na sa wikang Filipino, kung ang mga sibiliyang nadamay na iyon ay collateral damage, ibig sabihin ba, ginarantiyahan ang pinsala sa kanila? Hindi angkop.
Kaya mahalaga sa pagsasalin ang buong pag-unawa sa buong pangungusap at buong teksto upang hindi sumablay sa pagsasalin.
Gayunman, dadaan pa sa mas madugong editing ang natapos na salin upang matiyak na akma ang mga salin. Marami pang dapat gawin matapos ang buong pagsasalin, dahil bukod sa madugong editing ay ang pagdidisenyo nito bilang aklat at pagpapalathala.
Halina't tingnan ang salin ng Laudato Si sa:

http://laudatosi-bersyongpinoy.blogspot.com/.
Lunes, Agosto 10, 2015
Pambata nga lang ba ang Yakult at Milo?
PAMBATA NGA LANG BA ANG YAKULT AT MILO?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nagtaka ako nang minsang bumili ako ng Yakult ay inalok ko ang mga kasama. Lahat sila ay tumanggi. At ang sabi ng isa, pambata iyan.
Ah, kaya pala. Ayaw nilang mag-Yakult kahit nais nila, dahil sa konotasyong para lang sa bata ang Yakult.
Sa isang opisina naman, pinagkakape ako, pero tumanggi ako. Ang ininom ko ay Milo. Sabi ng isang kasama, "Bakit ba ayaw mong magkape, at mas gusto mo ang Milo?"
Tugon ko, pampalakas ng katawan ang Milo kaysa kape. At idinagdag ko pa na sabi pa nga ng mga kontrabida sa pelikula ni FPJ, kaya raw kinakabahan ang isa niyang kasamang kontrabida ay dahil sa kakainom ng kape.
Para sa ilang kasama, ang Yakult at Milo ay pambata. Ngunit kung susuriin mo ang nakasulat sa puting garapa ng Yakult at pakete ng Milo, wala roong nakasulat na iyon ay pambata, bagamat may mga litrato ng batang atleta sa Milo. Ang meron na hindi kadalasang pinapansin ay ang mga bitamina at mineral na nakasulat doon na dapat basahin, at umano'y makukuha mo sa pag-inom niyon.
At ang mga bitamina at mineral na nakasulat doon ang dahilan kung bakit Yakult at Milo ang kadalasan kong iniinom at hindi kape.
Palagay ko, may paniwala silang pag tumatanda ka na, ang dapat iniinom na ay kape. Ngunit hindi iyon ang paniwala ko, kundi sa kabila ng tumatanda na ako ay gusto ko pa ring maging malusog ang aking pangangatawan.
Nuong bata pa kami, ang ibinibili sa amin ng tatay ko ay Sustagen. Parang tsokolate. Masarap, at talagang inaabangan namin pati ang patalastas nito sa telebisyon. Kaya pag napanood na namin ang patalastas, magtitimpla kami agad, lalo na pagkatapos ng mga palabas na cartoons na Voltes V, Mazinger Z, Daimos, Mekanda Robot, at iba pa. Bagong labas lang noon ang Sustagen sa pamilihan, at bago iyon, ang binibili namin lagi ay gatas na Alaska na malapot na inilalagay namin sa tsamporado, at Nido na pulbos.
Pero pambata nga ba ang Yakult at Milo? Sa mga komersyal sa telebisyon, mas ineengganyo ang mga bata na uminom nito upang lumakas sila. Kaya nga pulos mga bata ang modelo ng Yakult at Milo. Para sa mga nagnenegosyo nito, pangunahing puntirya nila sa negosyo ay ang mga bata. Kaya mga bata ang ineengganyo nila upang kumita ng malaki at tumubo. Ang mga bata kasi, pag sinabi kung ano ang gusto nila, ibinibili agad sila ng kanilang tatay o nanay. Ganyan ang kalakalan. May pinupuntirya silang uri ng tao na siyang tingin nila'y agad bibili ng kanilang produkto. Nang sa gayon ay kumita sila at hindi malugi sa negosyo.
Ngunit kung susuriin ang mga nakasulat sa garapa ng Yakult at pakete ng Milo, mas pinatatampok ang mga kinakailangang bitamina at mineral para lumakas ang katawan ng isang tao, bata man siya o matanda, may ngipin man o wala, may buhok man o kalbo, kayumanggi man o tisoy, piki man o sakang, mayaman man o mahirap. At ang sabi ko nga sa mga kasama, paano ka tatagal sa laban kung hindi mo iisipin ang iyong kalusugan?
Pampalakas ng katawan. Iyan ang nais kong laging sabihin sa kanila, hindi dahil sa ayaw kong magkape. Nais ko ring humigop ng kape, lalo na pag ako'y nasa lalawigan at pinaiinom ako ng kapeng barako. Aba'y kaysarap.
Ngunit masasabi ko pa rin, hindi lang pambata ang Yakult at Milo. Ito'y para sa lahat ng gustong maging malakas ang katawan at ayaw magkasakit.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)