HINGGIL SA PAMUMUNO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Isang magandang salik ng isang magaling na pamumuno ay ang pag-aaral ng mga aklat hinggil sa pakikidigma upang magtagumpay sa anumang labanang susuungin. Isa na rito ay ang aklat na “Sining ng Digmaan (Art of War)” ni Sun Tzu na siyang pinakapopular na aklat hinggil sa paraan ng pamumuno sa digmaan. Ito’y may 2,300 taon na at binubuo ng labintatlong kabanata. Mula pa noong unang panahon, pinag-aaralan na ito ng mga pinuno, maging ito ma’y hari, prinsipe, kabalyero, heneral o kawal. Ayon kay Sun Tzu, “Ang digmaan ay napakahalagang bagay sa isang bansa, lalawigan ng buhay at kamatayan, daan sa pagkasagip o pagkawasak. Kaya dapat na pagbuhusan ng panahong pag-aralan.
Sa kanyang aklat, tinalakay niya ang hinggil sa 1. Pagtatasa; 2. Paglulunsad ng Gera; 3. Ang Opensibang Istratehiya; 4. Disposisyon; 5. Enerhiya; 6. Kahinaan at Kalakasan; 7. Pagmamaniobra; 8. Ang Siyam na Salik; 9. Pagmartsa; 10. Ang Landas (Terrain); 11. Ang Siyam na Iba’t Ibang Lunan (Grounds); 12. Paggamit ng Apoy; 13. Paggamit ng Espiya. Ang labintatlong kabanatang ito’y malamán at marami pang istratehista ang nagbigay ng kwento hinggil sa bawat berso nito, nagbigay ng halimbawa sa bawat aral dito, at ang buong aklat ay nagkaroon na ng iba’t ibang pagsasalin mula sa wikang Tsino hanggang Pranses, Ingles, Niponggo (may 13 salin) at sa iba pang wika. Ang translasyon sa Pilipino’y kasalukuyang tinatapos ng nagsulat ng artikulong ito.
Maaaring sabihin nating hindi na aplikable ang mga sinulat ni Sun Tzu dahil panahon pa ng mga barbaro ng sinulat ito, at ngayon ay panahon na ng makabagong teknolohiya. Ngunit sa digmaan, ang teknolohiya ay kagamitan lamang upang magkaroon ng mas lamang na bentahe kaysa kalaban. Ang nagbago, mula bato ay naging baril, mula sibat ay naging armalite, at mula pana ay naging nuclear missiles. Pero ang pundamental na prinsipyo ng pakikidigma ay aplikable pa rin hanggang sa ngayon.
Hindi lamang ang mga ito nagagamit sa gera, dahil may mga lumabas na libro ngayon na tumatalakay sa kaugnayan ng gera at ng pamamahala ng kumpanya. Isa na rito ang librong “War and Management” nina Wee Chou Hou, et.al. kung saan ang mga aral ni Sun Tzu ay isinasapraktika ng mga corporate executives at mga managers sa mga kumpanya. Kung pinag-aaralan ito ng mga kapitalista, mas dapat itong pag-aralan ng manggagawa’t maralita. Ayon nga kay Sun Tzu, “Kilalanin mo ang iyong kalaban at kilalanin mo rin ang iyong sarili, at mananalo ka sa sandaang labanan ng walang kapahamakan.”
Isang magandang aplikasyon ng aral ni Sun Tzu ay ang inilarawan sa “War and Management”, pahina 4: “Sa isa pang halimbawa noong Ikalawang Daigdigang Digmaan, inaasahan ng British army na sasalakay ang bansang Japan sa Singapore mula sa dagat, kaya ang lahat ng kanilang mga armas ay nakatutok sa gawing yaon. Ito’y dahil ang pinakalohikal at pinakamatipid na paraan para sa mga Hapones na masakop ang Singapore ay ang dumating mula sa dagat. Sa lubos na pagkasorpresa ng mga British, dumating ang mga Hapones mula sa lupa, sa pamamagitan ng pagtahak sa Malay Peninsula. Ito ang paggamit ng sorpresa, isa sa mga prinsipyo ng pakikibaka ni Sun Tzu.”
Sa panig naman ng mga maralita ng lunsod, ang isa sa mga klasikong taktika ng digma ay ang pagkakapanalo ng mga dinemolis na maralita sa Sitio Mendez sa Baesa, QC. Noong gibain ng mga demolition team ang kanilang mga tahanan noong Hulyo 1997, sila’y nagmartsa patungong Quezon City Hall at namalagi roon hangga’t di pinakikinggan at di ibinibigay ang kanilang kahilingang ibalik sila sa kanilang mga tahanan. Isang buwan pagkatapos, sila’y bumalik sa kanilang lugar sa pamamagitan ng “Martsa ng Tagumpay”. Sa tulong ng mga organisasyong KPML, BMP at Sanlakas, at patuloy na pagpapalabas sa media ng kanilang mga hinaing ay na-pressure ang pamahalaang lunsod ng Quezon City, pati na rin ang may-ari ng lupa. Ang istratehikong pamamalagi at pangangalampag sa Quezon City Hall at sa media ay isang mahusay na “pressure tactics” na maikukumpara sa mga prinsipyo ng digma ni Sun Tzu.
Ang ilan pa sa mga kilalang may-akda ng ganitong uri ng aklat ay sina Sun Pin, Wu Chi, Zhuge Liang, Liu Ji, Miyamoto Musashi, Clausewitz, Jomini, Napoleon, Kautilya, Machiavelli, at ang isang bagong aklat hinggil sa mga taktika ng Katipunan.
Ang bansang Tsina ay maraming inakda dito. Si Sun Pin, kamag-anak ni Sun Tzu, ang may-akda ng “Military Writings” at “Lost Teachings of Sun Tzu”. Si Wu Chi naman ay may anim na kabanatang dokumento hinggil din sa pakikidigma. Si Zhuge Liang naman ang may-akda ng “Pamamaraan ng mga Heneral”, samantalang si Liu Ji naman ang may-akda ng “Mga Aral ng Digmaan”.
Sa Europa, inakda naman ni Antoine-Henri Jomini, isang French general at staff officer ni Napoleon I, ang “Précis”, na nakaimpluwensiya ng malaki sa kaisipang militar sa France, at naging textbook sa kondukta ng American Civil War. Meron ding sariling bersyon ng “Art of War” si Jomini. Ayon naman kay Karl von Clausewitz, isang Prussian general, ang pakikidigma ay ekstensyon lamang ng pulitika. Isang taon pagkamatay niya nang lumabas ang kanyang may tatlong volume na librong “Vom Kriege (On War)” na may malaki ring kontribusyon sa istratehiyang militar sa Europa. Pati na rin ang Italyanong si Niccolo Machiavelli, ang may-akda ng “The Prince” at “The Discourses”, ay nagsulat din ng mahabang sanaysay na may pamagat ding “Art of War”. Meron namang “Military Maxims” si Emperor Napoleon I.
Ang “Arthashastra (Prinsipyo sa Pulitika)”, isang aklat na tumatalakay hinggil sa pakikidigmang sikolohikal o psychological warfare ay sinulat naman ni Kautilya ng India, ang punong ministro ng emperor na si Candragupta Maurya.
Ang mga Hapones naman ay merong “Book of Five Rings” na inakda ni Miyamoto Musashi na tumatalakay din sa taktika at istratehiya, at ang limang salik nito: ang lupa, apoy, hangin, tubig, at espasyo.
At ang pinakabago sa mga pag-aaral na ito ay ang sinulat ni UP Prof. Zeus Salazar na may pamagat na “Ang ‘Real’ ni Bonifacio bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas”.
(Paunawa: Ang tamang translasyon ng World War II ay Ikalawang Daigdigang Digmaan at hindi ang nakasanayang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil ang salitang “Pandaigdig” ay may konotasyon ng pagpayag o pagsang-ayon sa bagay na tinutukoy. At dahil hindi lahat ay payag o sang-ayon sa digmaan, maling tawaging Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang World War II, kundi mas tumpak na gamitin ang neutral na salitang Ikalawang Daigdigang Digmaan.)
ni Gregorio V. Bituin Jr.
“Ang isang paham, sa panahon ng kapayapaan, ay naghahanda para sa isang digmaan. (A wise man in times of peace prepares for war.)” – ni Horace, isang makatang Romano, sa kanyang koleksyong “Satires”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento