NINGAS-BAO, HANDA NA HABIT, ANT MENTALITY, AT TAMANG KONSEPTO NG FILIPINO TIME
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(Unang lumabas ang artikulong Ningas-bao sa The Featinean, July-October 1996 issue. Ito’y nasulat sa wikang Ingles. Lumabas uli ito sa Kolum Estudyante ng pahayagang Dyaryo Uno, Disyembre 1, 1998, p. 5. Pero dalawa na ang tinalakay dito: ang ningas-bao at ang ant mentality. Sa pagdaan ng ilang buwan, umunlad pa ang konseptong ito at naging apat. Dito na naitatag ang Kampanyang Ningas-Bao, atbp. (KNBa) bilang impormal na organisasyong nangangampanya para dito. Ang artikulong ito ay ginawang palasak sa porma ng isang polyeto at pamamahagi nito sa mga kakilala, kamag-anak at kaibigan, pati na sa mga kilalang opisina, NGO, PO, unyong, guro, dean sa mga eskwelahan, environmental groups, writers groups, kongreso, aktibista, atbp. Ito’y lumabas din sa magasing Tambuli sa kauna-unahang isyu nito noong Abril 2006. Nalagay din ito sa website ng Ang Bagong Pinoy bilang isa sa mga pambungad na artikulo. – Greg Bituin Jr.)
Panahon na para baguhin natin ang maraming kaugaliang Pilipino na nagiging hadlang sa ating pag-unlad. Karamihan sa mga kaugaliang ito’y tila anay na sumisira sa ating pagkatao, pagkabansa, at organisasyong kinabibilangan. Papaano natin babaguhin ang mga negatibong kaugaliang ito? Una, sa pamamagitan ng positibong alternatibo nito. Pangalawa, ikampanya ang mga alternatibong ito upang kumintal sa isipan ng mga tao. Pangatlo, nasasainyo ang pasiya, kaibigan. Kung nais nating iwaksi at baguhin ang mga negatibong kaugaliang Pinoy na nakagisnan natin, ating palaganapin ang mga positibong kaugaliang Pilipino.
Ningas-kugon. Mañana habit. Crab mentality. Spanish time (na ipinagkakamaling Filipino time). Ilan ito sa mga negatibong kaugaliang Pinoy na naging bahagi na ng ating kultura at dapat baguhin. Balakid ang mga ito sa ating mga gawain, pang-indibidwal man, pang-organisasyonal o pambansa. Alam nating hindi ito mababago sa isang iglap, pero may pag-asa pangmabago ito. Kung ito’y talagang gagawin natin. At kung may kusa tayo.
Nais kong balikan ang sinabi ng ating bayaning si Gat Apolinario Mabini: “Our revolution must be not only external but internal. We must provide a more solid basis for character formation, and we must rid ourselves of the vices which are, for the most part, a legacy of Spanish rule.” (Mula sa aklat na “readings in Philippine History” by H. dela Costa, S. J., Chapter IV, pp. 243-244). Ibig sabihin, kung nais nating baguhin ang sistema ng lipunan, dapat baguhin din natin ang mga negatibong kaugaliang pinamana sa atin ng sistemang ito.
Malaki ang magiging epekto ng positibong alternatibo nito upang kahit papaano’y maminimisa, kung di man ganap na mapawi, ang mga negatibong kaugalian sa ting kultura. Kung hindi tayo mag-iisip ng alternatibo sa mga palasak na katawagang “ningas-kugon”, “mañana habit”, “crab mentality” at ang maling katawagang “Filipino time” na kung tutuusin ay “Spanish time”, malamang na magpatuloy pa rin ito. Ayon nga sa psychology, anumang palasak ang karaniwang nangingibabaw at ginagawa.
Mananatili pa rin sa ating kultura ang apat na kaugaliang Pinoy na ito kung magwawalang-bahala lang tayo. Kailangan ng “equalizer”, ika nga. Ningas-bao. Handa na habit. Ant mentality. Filipino time (maaga sa oras). Ito ang mga positibong alternatibo na dapat na maging bukambibig din ng mamamamayang Pilipino, dahil ito ang kailangan natin sa pag-unlad at pagbabago ng lipunan. Pag-unlad at pagbabago hindi lang ng ating bansa, kundi ng komunidad o organisasyong ating kinabibilangan. Talakayin natin ang bawat isa.
Ningas-kugon ang karaniwang tawag sa masamang kaugaliang pag may nasimulan nang plano o mga balakin, ay hindi naman itinutuloy o wala nang balak tapusin. Bakit nangyayari ito? Marahil, palpak ang mga nagpaplano, kaya’t hindi na nila ito itinutuloy. Hindi sa kanila maliwanag ang dahilan kung bakit dapat itong matapos, Maari rin namang walang kooperasyon ang bawat isa. Lumalabas tuloy na may problema sa liderato kaya nauuwi sa ningas-kugon ang kanilang mga plinano. Ang salitang “ningas-kugon” ay nanggaling sa dalawang pinagsamang salita: ningas at kugon. Kung sisindihan natin ang kugon, madali itong mamatay. Abo na kaagad. Ganuon din ang tao. Marami siyang sinimulang gawain, pero hindi naman tinutuloy o tinatapos. Kumbaga, nagsimula siya ng isang proyekto pero nauuwi naman sa wala. Sayang tuloy ang limang P (pagod, panahon, plano, proyekto at perang ginastos). Kung ang kugon ay madaling mamatay, ano ang matagal mabuhay? Kung walang silbi ang kugong sinindihan, alin ang may silbi? Uling. Bao. Ah, mas malapit ang bao. Ang bao, pag sinindihan mo, maraming naluluto. Habang nagluluto ka ng sinaing, maaari ka pa ring mag-ihaw ng barbeque. Medyo mausok ito, pero mararamdaman mo sa usok kung gaano kaganda ang kanyang niluluto. Ang uling, matagal din ang gamit, gaya rin ng bao. Pero mas maraming gamit at mukhang mas masarap pakinggan ang bao kaysa uling. Kaya tawagin natin ang bagong konsepto na “ningas-bao”. Isa pa, kung ikukumpara sa kugon, ang bao ay kapareho niyang mula sa kalikasan at natuyo sa likas na paraan, hindi gaya ng uling na talagang ipinroseso bago mo magamit. Kaya’t dapat na maging likas din sa atin ang positibong konsepto ng ningas-bao, lalo na sa mga susunod na henerasyon. Hindi na tayo kailangang paluin o latiguhin pa para kumilos o iproseso muna gaya ng uling.
Ang “mañana habit” naman ay nanggaling sa salitang Kastila na ibig sabihin ay “mamaya na”. Kung laging “mamaya na” ang ating bukambibig, kalimitanhindi natin natatapos sa tamang oras ang ating mga gawain. Kung nais na natin itong ihabol sa takdang oras, kalimitan nama’y ginagahol na tayo sa panahon. Sa madaling salita, ipinagpapaliban natin kung ano ang pwede naman nating gawin ngayon. Kaya kailangan naman nating mag-isip ng katawagang dapat nating ipopularisa sa mamamayan. Ang handa na habit” ang positibong alternatibo sa “mañana habit”. Maganda sana kung “mngayon na habit” ang itawag, pero mas aplikable ang “handa na habit”. Dahil kung “ngayon na”, baka magpadalus-dalos ka ng hindi mo pinag-iisipan ang kaayusan ng iyong trabaho, basta’t matapos mo lang ang gagawin mo. “Handa na habit” dahil bukod sa handa kang gawin agad ito, handa ka ring gawing organisado at maayos ang iyong trabaho at handa kang tapusin ito sa takdang panahon. Gaya ng Boy Scout na laging handa, maganda ang kalalabasan ng iyong trabaho.
“Ant mentality”. Kailangan nang palitan ang palasak na kaisipang “crab mentality”, isang kaugaliang itinutulad ang mga tao sa talangka o alimangong nasa balde. Naghihilahan pababa para mauna sa itaas. Gaya rin sa trabaho, nagsisiraan para makauna sa promosyon. Nasisira tuloy ang trabaho lalo na ang organisasyon. Tularan natin ang langgam, masisipag at nagtutulungan.
Palasak ang katawagang “Filipino time” bilang laging huli sa oras. Pero kung tutuusin, ang mga Pilipino’y maaga sa oras. Ang ipinagkakamaling “Filipino time” sa katunayan ay “Spanish time” dahil nagsimula ang kaugaliang ito sa mga Kastila. Mahilig ang mga Kastila sa siesta o pahinga. At pagdating sa mga pulong, kadalasan silang nagpapahuli para mapansin sila kaagad o kaya’y hintayin. Paimportante kumbaga. Ang Pilipino’y likas na matiyaga at masikap, hindi paimportante na wala namang katuturan. Nang mapatay ng Pilipinong si Lapulapu ang Portuges na si Magellan, isa sa mahalagang sangkap ng kanilang panalo ay ang kaagapan nila sa labanan at pagiging maaga sa preparasyon sa digmaan. Isa itong pagpapatunay ng sinabi ng mandirigmang si Sun Tzu sa kanyang aklat na “Art of War” kung saan nakasulat: “Generally, he who occupies the field of battle first and awaits his enemy is at ease; he who comes later to the scene and rushes into the fight is weary.” Panahon na upang matutunan nating maging maaga o tama sa oras ng usapan. Panahon na upang ituring natin na ang pagiging huli sa oras ay “Spanish time” at ang pagiging maaga o tama sa oras ay “Filipino time”.
Kung nais nating maging maunlad at mabunga ang ating mga gawain at pinaghirapan, palitan na natin ang mga negatibong kaugaliang Pinoy. Kung nais nating baguhin ang lipunan, ngayon pa lang baguhin na rin natin ang ating kultura. Panahon na upang isuka natin at tanggalin sa ating bokabularyo ang negatibong “ningas-kugon”, “mañana habit”, “crab mentality” at “Spanish time”. At gawin nating palasak sa ating kultura at pamayanan ang mga positibong konseptong “ningas-bao”, “handa na habit”, “ant mentality” at tamang konsepto ng “Filipino time” (tama sa oras). At kung magagawa natin ito, mga kaibigan at kababayan, ngayon pa lang, ito na ang aming sasabihin: “Wow! Ang galing mo, Pilipino!”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento